“Saliksikin ninyo ang mga Kasulatan”
T. Ang pangungusap na ito ay namutawi sa mga banal na labi ng ating Panginoong Jesus, ano ang biyayang matatamo sa pagsasaliksik ng mga kasulatan?
S. (a) Pagkakilala sa Panginoong Jesus, at (b) buhay na walang hanggan.
“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.” (Jn. 5:39 [show]John 5:39 You search the Scriptures because you think that in them you have eternal life; and it is they that bear witness about me, (ESV)
)
T. Aling kasulatan ang binabanggit ng Panginoong Jesus?
S. Ang mga Banal na Kasulatan na kinasihan ng Dios.
“At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran.” (2 Tim. 3:15-16 [show]2 Timothy 3:15-16 and how from childhood you have been acquainted with the sacred writings, which are able to make you wise for salvation through faith in Christ Jesus. All Scripture is breathed out by God and profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness, (ESV)
)
Hindi lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Dios. Iisa lamang ang aklat ng Dios at ito ay tinatawag na Biblia. Ito ang Aklat na hindi dapat pagsawaang basahin ng isang naghahangad ng buhay na walang hanggan. Ito rin ang Aklat na nagpapatotoo tungkol sa ating mahal na Panginoon at Tagapagligtas na si Cristo Jesus.
T. Ano ang dapat nating malaman tungkol sa katiyakan na ang Kasulatan, ang Biblia, ay nasulat at nabuo sa pamamagitan ng pagkase ng Dios?
S. Ang nangagsisulat ay sa kalooban ng Dios sa udyok ng kanyang kapangyarihan na siyang Espiritu Santo. (2 Pet. 1:20-21 [show]2 Peter 1:20-21
knowing this first of all, that no prophecy of Scripture comes from someone's own interpretation. For no prophecy was ever produced by the will of man, but men spoke from God as they were carried along by the Holy Spirit. (ESV)
)
“Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag. Sapagka’t hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.”
Ang Espiritu Santo ay ang kapangyarihan ng Dios na galing sa itaas na isinasangkap (Luk. 24:49 [show]Luke 24:49
And behold, I am sending the promise of my Father upon you. But stay in the city until you are clothed with power from on high." (ESV)
) sa mga tao, laluna sa mga propeta, upang isulat ang paghahayag ng kanyang kalooban sa mga tao.
T. Sa pagsasaliksik at pagtanggap ng karunungan mula sa mga kasulatan, anong uring karunungan ang makakamit ng tao?
S. Karunungan sa ikaliligtas.
“…ang mga kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.” (2 Tim. 3:15 [show]2 Timothy 3:15 and how from childhood you have been acquainted with the sacred writings, which are able to make you wise for salvation through faith in Christ Jesus. (ESV)
)
Samantalang ang karunungan na makakamit sa mga aklat ng sanglibutan ay limitado lamang sa kapakinabangang ukol sa buhay na ito, at kailanman ay hindi makapagliligtas at maghahatid sa buhay na walang hanggan.
T. Ano naman ang pakinabang para sa buhay na ito ng mga matututo ng karunungan mula sa Biblia?
S. Matututo ng lahat ng mga gawang mabuti at payapang pamumuhay.
“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.” (2 Tim. 3:16-17 [show]2 Timothy 3:16-17 All Scripture is breathed out by God and profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness, that the man of God(1) may be competent, equipped for every good work. (ESV) Footnotes 1. [3:17] That is, a messenger of God (the phrase echoes a common Old Testament expression)
)
Sapagka’t ang Biblia ay mga kasulatan na kinasihan ng Dios, kaya ang karunungang natututuhan dito ay buhat sa itaas. Si Santiago na lingkod ng Dios ay may sinasabi tungkol dito:
“Nguni’t ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una’y malinis saka mapayapa, banayad, madaling panaingan, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang inaayunan, walang pagpapaimbabaw.” (Jam. 3:17 [show]James 3:17 But the wisdom from above is first pure, then peaceable, gentle, open to reason, full of mercy and good fruits, impartial and sincere. (ESV)
)
Sinasabi rin ni Santiago na:
“Sino ang marunong at matalino sa inyo? ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting kabuhayan ang kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan. Nguni’t kung kayo’y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan. Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa diablo. Sapagka’t kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.” (Jam. 3:13-16 [show]James 3:13-16 Who is wise and understanding among you? By his good conduct let him show his works in the meekness of wisdom. But if you have bitter jealousy and selfish ambition in your hearts, do not boast and be false to the truth. This is not the wisdom that comes down from above, but is earthly, unspiritual, demonic. For where jealousy and selfish ambition exist, there will be disorder and every vile practice. (ESV)
)
T. Isa bang karangalan ang magsaliksik o magsiyasat ng mga banal na kasulatan?
S. Isang karangalan, tulad ng mga taga Berea, na naging marangal kaysa mga tagaTesalonica sa kanilang pagsisikap na siyasatin ang mga kasulatan araw-araw.
“At pagdaka’y pinayaon sa gabi ng mga kapatid si Pablo at si Silas sa Berea: na nang dumating sila doon ay nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio. Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka’t tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa arawaraw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito.” (Act. 17:10-11 [show]Acts 17:10-11 The brothers(1) immediately sent Paul and Silas away by night to Berea, and when they arrived they went into the Jewish synagogue. Now these Jews were more noble than those in Thessalonica; they received the word with all eagerness, examining the Scriptures daily to see if these things were so. (ESV) Footnotes 1. [17:10] Or 'brothers and sisters'; also verse 14
)
T. Sa panahong ito, nararapat bang tiyakin na naaayon sa kasulatan ang mga nadidinig sa mga nangangaral ng evangelio, kung tunay ngang ayon sa mga banal na kasulatan ng Dios?
S. Nararapat tiyakin sapagka’t maraming magsisilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan, ayon sa hula.
“Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa’t espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila’y sa Dios: sapagka’t maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.” (1 Jn. 4:1 [show]John 4:1 Now when Jesus learned that the Pharisees had heard that Jesus was making and baptizing more disciples than John (ESV)
)
Ang sabi naman ni Apostol Pablo ay hindi dapat humigit sa nasusulat ang tunay na aral na galing sa itaas.
“Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.” (1 Cor. 4:6 [show]1 Corinthians 4:6 I have applied all these things to myself and Apollos for your benefit, brothers,(1) that you may learn by us not to go beyond what is written, that none of you may be puffed up in favor of one against another. (ESV) Footnotes 1. [4:6] Or 'brothers and sisters'
)
Nakatitiyak tayo na ang mga bagay na nagasusulat ay ang binabanggit ni Pablo sa kanyang ikalawang sulat kay Timoteo, na walang iba kundi ang mga banal na kasulatan na kinasihan ng Dios, ang Biblia.
T. Ginamit din ba ng Panginoong Jesus ang nangasusulat sa Biblia, nang siya ay narito pa sa lupa, laban sa tukso ng diablo?
S.
“Datapuwa’t siya’y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios.” (Mat. 4:4 [show]Matthew 4:4 But he answered, "It is written, "'Man shall not live by bread alone, but by every word that comes from the mouth of God.'"
)
“Nasusulat din naman, Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.” (Mat. 4:7 [show]Matthew 4:7 Jesus said to him, "Again it is written, 'You shall not put the Lord your God to the test.'" (ESV)
)
“Nang magkagayo’y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka’t nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.” (Mat. 4:10 [show]Matthew 4:10 Then Jesus said to him, "Be gone, Satan! For it is written, "'You shall worship the Lord your God and him only shall you serve.'"
)
Sa panahong nasa lupa pa ang Panginoong Jesus ay ang mga salitang nasusulat sa Biblia ang kanyang ginamit na pananggol sa panunukso at lumayo sa kanya. Pagkatapos ng pagtatagumpay ay nagsidating ang mga anghel at siya’y pinaglingkuran.
T. Gaano ba kabisa ang salita ng Dios na nangasusulat sa kanyang Aklat?
S. Ang salita ng Dios na Makapangyarihan sa lahat ay subok, buhay, mabisa at matalas kaysa alinmang tabak.
“Bawa’t salita ng Dios ay subok: siya’y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya. Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.” (Pro. 30:5-6 [show]Proverbs 30:5-6 Every word of God proves true; he is a shield to those who take refuge in him. Do not add to his words, lest he rebuke you and you be found a liar.
)
“Sapagka’t ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.” (Heb. 4:12 [show]Hebrews 4:12 For the word of God is living and active, sharper than any two-edged sword, piercing to the division of soul and of spirit, of joints and of marrow, and discerning the thoughts and intentions of the heart. (ESV)
)
Search
Gallery
Kontak
Central Chapel, Mangino, Gapan City
S.E.C. Registry No. 128766
Tel: +44 4866462
Email: coe@iglesiangdios.orgPledges and Donation
Name of Bank : Philippine National Bank Gapan Branch Tinio St., San Vicente Gapan City, Nueva Ecija Account Name: IGLESIA NG DIOS (NPB) KAY CRISTO JESUS Account Number : 165360100019 Swift Code : PNBMPHMM Routing Number : 0260-0300-7Mga Bagong Balita at Gawain
- Bautismo Sa Jose Abad Santos Ng Mga Kapatid Sa Lokal Ng Pasay
- Pagdalaw ng COE sa Isabela Area
- Kapatiran sa Lokal ng Nagpandayan at Tampac Guimba
- Pagtataas ng Tungkulin ng mga Manggagawa
- Pagtataas Ng Tungkulin At Pagpapakilala Ng Bagong Elder
- Ang Kapatiran sa Nagpandayan At Tampac
- Pagsamba sa Lokal ng Bulac, Sta. Maria, Bulacan
Ang Pagliligtas
- Paunang Salita
- Maigsing Kasaysayang ng Biblia
- “Saliksikin ninyo ang mga Kasulatan”
- Ang Cristo ang Sentro ng Kasulatan
- “Lalangin Natin ang Tao”
- Ang Magkakaibang mga Dios na mababasa sa Kasulatan
- Ang Anak ay Kasama na ng Ama Bago Nagkatawang-Tao
- Kung Sino ang Nakakakilala sa Ama at sa Anak
- Ang Espiritu Santo
- Ang Anghel
- Ang Diablo
- Ang Tao
- Ang Kamatayan
- Ang Pananampalataya
- Ang Iglesia
- Ang Hula at Katuparan ng Pagdating ng Iglesia ng Dios sa Pilipinas
- Ang Pamamahala ng Dios sa Kanyang Iglesia
- Ang Sangbahayan ng Dios
- Ang Hapunan ng Panginoon
- Ang Paghuhukom
- Ang Pagkabuhay na Maguli
- Ang Paghatol sa mga Masasama
- Ang Isang Bagong Langit at Isang Bagong Lupa
Who's Online
- 0 Members.
- 6 Guests.
