Ang Diablo
T. Sino ang diablo?
S. Si Satanas na dumadaya sa boong sanglibutan.
“At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.” (Rev. 12:9 [show]Revelation 12:9 And the great dragon was thrown down, that ancient serpent, who is called the devil and Satan, the deceiver of the whole world--he was thrown down to the earth, and his angels were thrown down with him. (ESV)
)
T. Ang Dios ba ang lumalang sa kanyang pagiging diablo?
S. Si Satanas ang gumawa sa kanyang sarili na diablo.
“Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa’t ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga. Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.” (Eze. 28:14-15 [show]Ezekiel 28:14-15 You were an anointed guardian cherub. I placed you;(1) you were on the holy mountain of God; in the midst of the stones of fire you walked. You were blameless in your ways from the day you were created, till unrighteousness was found in you. Footnotes 1. [28:14] The meaning of the Hebrew phrase is uncertain
)
Ang kasulatan ang nagpapatotoo na hindi ang Dios ang gumawa sa pagiging diablo ng isang kerubing yaon. Siya ang gumawa sa kanyang sarili na ‘diablo’ Nang masumpungan siya ng Dios na Makapangyarihan sa lahat sa ‘kalikuan.’
T. Ano ang kalikuan na nasumpungan sa kerubin na siyang nagpahamak sa kanyang karunungan at pagiging sakdal?
S. Inggit, sapagka’t nais niyang pumantay sa kapangyarihan ng Dios.
“Ano’t nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! At sinabi mo sa iyong sarili, Ako’y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako’y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging gaya ng Kataastaasan.” (Isa. 14:12-14 [show]Isaiah 14:12-14 "How you are fallen from heaven, O Day Star, son of Dawn! How you are cut down to the ground, you who laid the nations low! You said in your heart, 'I will ascend to heaven; above the stars of God I will set my throne on high; I will sit on the mount of assembly in the far reaches of the north;(1) I will ascend above the heights of the clouds; I will make myself like the Most High.' Footnotes 1. [14:13] Or 'in the remote parts of Zaphon'
)
Liwanag: – Ang ambisyon na maging gaya ng Kataastaasang Dios ang kalikuang nasumpungan sa Tala sa umaga na siyang kerubin. Ang ambisyong ito ay kapalaluang laban sa Dios. Ang espiritung ito ang siya ring nasa taong anak ng kapahamakan kapag malapit ng dumating ang Panginoon upang kunin ang kanyang mga banal. Ito ang pahayag ni Apostol Pablo sa kanyang kinasihang sulat sa mga taga Tesalonica. Ang kanyang sulat:
“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka’t ito’y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan. Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa’t siya’y nauupo sa templo ng Dios, na siya’y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.” (2 The. 2:3-4 [show]2 Thessalonians 2:3-4 Let no one deceive you in any way. For that day will not come, unless the rebellion comes first, and the man of lawlessness(1) is revealed, the son of destruction,(2) who opposes and exalts himself against every so-called god or object of worship, so that he takes his seat in the temple of God, proclaiming himself to be God. (ESV) Footnotes 1. [2:3] Some manuscripts 'sin' 2. [2:3] Greek 'the son of perdition' (a Hebrew idiom)
)
Ang templo ng Dios sa lupa ay hindi gusaling material, sapagka’t sinabi rin ni Pablo sa Act. 17:24 [show]Acts 17:24
The God who made the world and everything in it, being Lord of heaven and earth, does not live in temples made by man,(1) (ESV)
Footnotes
1. [17:24] Greek 'made by hands'
, na “ang Panginoon ng langit at lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay.” Alin ang templo sa lupa na hindi ginawa ng mga kamay? Ang mga tao na siyang bumubuo sa Iglesia, na isinulat din ni Pablo, na ang sabi, “Hindi baga ninyo nalalaman na kayo’y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?” (1 Cor. 3:16 [show]1 Corinthians 3:16
Do you not know that you(1) are God's temple and that God's Spirit dwells in you? (ESV)
Footnotes
1. [3:16] The Greek for 'you' is plural in verses 16 and 17
)
Samakatuwid, ang taong sasapian ng espiritu ng diablo ay isang lider relihion: na ang kanyang pagparito ay may boong kapangyarihan ni Satanas, at magpapakita ng mga tanda at kahangahangang kasinungalingan, at may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka’t hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila’y mangaligtas. (2 The. 2:9-10 [show]2 Thessalonians 2:9-10
The coming of the lawless one is by the activity of Satan with all power and false signs and wonders, and with all wicked deception for those who are perishing, because they refused to love the truth and so be saved. (ESV)
)
T. Sa lupa, sino ang pakay na pinsalain ng diablo mula pa nang una?
S. Ang balak pinsalain, at pinipinsala na nga, ay ang tao.
“Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito.” (Jn. 8:44 [show]John 8:44 You are of your father the devil, and your will is to do your father's desires. He was a murderer from the beginning, and has nothing to do with the truth, because there is no truth in him. When he lies, he speaks out of his own character, for he is a liar and the father of lies. (ESV)
) Pansinin na, kung kaya pumasok ang kamatayan sa lahing tao ay dahil sa pagdaraya at kasinungalingan ng ahas sa Eden. Ito rin ang kanyang mabisang paraan upang ilayo ang mga tao sa Dios hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
T. Sa mga huling araw na ito, paano siya nakapandaraya gayong siya’y isang espiritu ng kadiliman na hindi naman nakikita ng mga mata ng tao?
S. Nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
“At hindi katakataka: sapagka’t si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.” (2 Cor. 11:14 [show]2 Corinthians 11:14 And no wonder, for even Satan disguises himself as an angel of light. (ESV)
)
Liwanag: – Nagagawa kung gayon ni Satanas, na sa pamamagitan ng tao ay magpanggap siyang anghel o sugo ng kaliwanagan upang makaakit ng maraming tao na susunod sa kanyang likuran bilang lider ng relihion. Sa may katalinuhang hakbang na ito ni Satanas ay totoong marami ang kanyang magiging alagad, sapagka’t babaligtarin niya ang katotohanan at lilikha ng maluwang na pintuan para sa maluwang na daan patungo sa pagkapahamak, na dito’y marami ang magsisipasok. (Mat. 7:13 [show]Matthew 7:13
"Enter by the narrow gate. For the gate is wide and the way is easy(1) that leads to destruction, and those who enter by it are many. (ESV)
Footnotes
1. [7:13] Some manuscripts 'For the way is wide and easy'
)
T. May kakasangkapanin ba siyang mga tao para maisakatuparan niya ang hangarin na iligaw ang mga tao, at maakay niya sa kanyang maruming sistema sa ngalan ng relihion?
S. Kakasangkapan ng mga ministro.
“Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.” (2 Cor. 11:15 [show]2 Corinthians 11:15 So it is no surprise if his servants, also, disguise themselves as servants of righteousness. Their end will correspond to their deeds. (ESV)
)
T. May mga tao rin ba siyang dadayain upang maging huwad na apostol?
S. Meron, at madadaya nga.
“Sapagka’t ang mga gayong tao ay mga bulaang apostol, mga magdarayang manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo.” (2 Cor. 11:13 [show]2 Corinthians 11:13 For such men are false apostles, deceitful workmen, disguising themselves as apostles of Christ. (ESV)
)
“Sapagka’t iniisip ko, na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat, na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan: sapagka’t kami’y ginawang panoorin ng sanglibutan, at ng mga anghel, at ng mga tao.” (1 Cor. 4:9 [show]1 Corinthians 4:9 For I think that God has exhibited us apostles as last of all, like men sentenced to death, because we have become a spectacle to the world, to angels, and to men. (ESV)
)
Kaya’t kung may sekta na nagtindig ng kanilang apostol, ang mga apostol na yaon ay pawang mga bulaan, sapagka’t wala nang iba pang apostol na lilitaw pa pagkatapos ng mga tunay na apostol ni Cristo.
T. Hanggang kailan mananatili ang diablo na nagdaraya sa mga tao?
S. Hanggang sa pawalan siya ng kaunting panahon pagkatapos ng isang libong taon na paghahari ng Cristo at ng kanyang mga banal sa lupang ito.
“At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon. At siya’y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya’y pawalang kaunting panahon.” (Rev. 20:2-3 [show]Revelation 20:2-3 And he seized the dragon, that ancient serpent, who is the devil and Satan, and bound him for a thousand years, and threw him into the pit, and shut it and sealed it over him, so that he might not deceive the nations any longer, until the thousand years were ended. After that he must be released for a little while. (ESV)
)
“At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.” (Rev. 20:8 [show]Revelation 20:8 and will come out to deceive the nations that are at the four corners of the earth, Gog and Magog, to gather them for battle; their number is like the sand of the sea. (ESV)
)
T. Tagumpay ba sa pagdaraya ang diablo sa mga mortal na makasalanan na nabuhay sa huling isang libong taon ng daigdig?
S. Tagumpay ayon sa pahayag ng Kasulatan.
“At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila’y nasupok.” (Rev. 20:9 [show]Revelation 20:9 And they marched up over the broad plain of the earth and surrounded the camp of the saints and the beloved city, but fire came down from heaven(1) and consumed them, (ESV) Footnotes 1. [20:9] Some manuscripts 'from God, out of heaven', or 'out of heaven from God'
)
Liwanag: – Ayon sa pahayag, sa kabila ng pagkabilanggo ng isang libong taon ay hindi pa rin nabago ang ugali ng rebeldeng kerubin. Pagdaraya pa rin ang nasa kanyang isip. At muli niyang dinaya ang lahat ng mga bansa sa apat na sulok ng lupa. Sa kaunting panahon ay madali niyang napasunod sa kanyang udyok na lusubin at bakahin ang kampamento ng mga banal na kinaroroonan ng luklukan ng Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon, na walang iba kundi ang Panginoong Jesus. Datapuwa’t ang huling pagtatangkang ito ng diablo, na nasa likuran niya ang buong sanglibutan, ay mauuwi lamang sa napakalagim na kabiguan. Bumaba ang apoy sa langit at sila’y nasupok.
Isang libong taon na naghintay ang sanglibutan sa kinikilala nilang dios at tagapagligtas na diablo. (2 Cor. 4:4 [show]2 Corinthians 4:4
In their case the god of this world has blinded the minds of the unbelievers, to keep them from seeing the light of the gospel of the glory of Christ, who is the image of God. (ESV)
) Ayaw talaga nila sa ilaw na si Cristo (Jn. 3:19 [show]John 3:19
And this is the judgment: the light has come into the world, and people loved the darkness rather than the light because their works were evil. (ESV)
)Inibig pa nila ang kadiliman kaysa ilaw, sapagka’t masama ang kanilang mga gawa. Sapagka’t inari nilang liwanag ang kadilimang inihasik sa kanila ng diablo (Isa. 5:20 [show]Isaiah 5:20
Woe to those who call evil good
and good evil,
who put darkness for light
and light for darkness,
who put bitter for sweet
and sweet for bitter!
).Kaya’t isang liberasyon sa kanila ang pagbabalik ng diablo, pagkatapos ng isang libong taong pagkabilanggo sa kalaliman.
T. Ano ang magiging wakas ng diablo dahil sa kanyang mga kabuktutan?
S. Ibubulid sa dagatdagatang apoy.
“At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.” (Rev. 20:10 [show]Revelation 20:10 and the devil who had deceived them was thrown into the lake of fire and sulfur where the beast and the false prophet were, and they will be tormented day and night forever and ever. (ESV)
)
Pansinin: – Na nauna pa ang masamang pandaigdig na lider politiko (ang hayop) at ang propeta, sa kaparusahang walang hanggan. Inabutan na lamang sila doon ng diablo. At sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.
Search
Gallery
Kontak
Central Chapel, Mangino, Gapan City
S.E.C. Registry No. 128766
Tel: +44 4866462
Email: coe@iglesiangdios.orgPledges and Donation
Name of Bank : Philippine National Bank Gapan Branch Tinio St., San Vicente Gapan City, Nueva Ecija Account Name: IGLESIA NG DIOS (NPB) KAY CRISTO JESUS Account Number : 165360100019 Swift Code : PNBMPHMM Routing Number : 0260-0300-7Mga Bagong Balita at Gawain
- Bautismo Sa Jose Abad Santos Ng Mga Kapatid Sa Lokal Ng Pasay
- Pagdalaw ng COE sa Isabela Area
- Kapatiran sa Lokal ng Nagpandayan at Tampac Guimba
- Pagtataas ng Tungkulin ng mga Manggagawa
- Pagtataas Ng Tungkulin At Pagpapakilala Ng Bagong Elder
- Ang Kapatiran sa Nagpandayan At Tampac
- Pagsamba sa Lokal ng Bulac, Sta. Maria, Bulacan
Ang Pagliligtas
- Paunang Salita
- Maigsing Kasaysayang ng Biblia
- “Saliksikin ninyo ang mga Kasulatan”
- Ang Cristo ang Sentro ng Kasulatan
- “Lalangin Natin ang Tao”
- Ang Magkakaibang mga Dios na mababasa sa Kasulatan
- Ang Anak ay Kasama na ng Ama Bago Nagkatawang-Tao
- Kung Sino ang Nakakakilala sa Ama at sa Anak
- Ang Espiritu Santo
- Ang Anghel
- Ang Diablo
- Ang Tao
- Ang Kamatayan
- Ang Pananampalataya
- Ang Iglesia
- Ang Hula at Katuparan ng Pagdating ng Iglesia ng Dios sa Pilipinas
- Ang Pamamahala ng Dios sa Kanyang Iglesia
- Ang Sangbahayan ng Dios
- Ang Hapunan ng Panginoon
- Ang Paghuhukom
- Ang Pagkabuhay na Maguli
- Ang Paghatol sa mga Masasama
- Ang Isang Bagong Langit at Isang Bagong Lupa
Who's Online
- 0 Members.
- 5 Guests.
