Ang Hapunan ng Panginoon
T. Ano ba ang Hapunan ng Panginoon?
S. Ang Hapunan ng Panginoon ay isang seremonya sa pagalaala sa katawan ng Anak ng Dios na napako sa krus, at pagalaala sa kanyang dugo (na siyang bagong tipan) na nabuhos dahil sa kasalanan ng sanglibutan.
“At siya’y dumampot ng tinapay, at nang siya’y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito’y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito’y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.” (Luk. 22:19-20 [show]Luke 22:19-20 And he took bread, and when he had given thanks, he broke it and gave it to them, saying, "This is my body, which is given for you. Do this in remembrance of me." And likewise the cup after they had eaten, saying, "This cup that is poured out for you is the new covenant in my blood.(1) (ESV) Footnotes 1. [22:20] Some manuscripts omit, in whole or in part, verses 19b-20 ('which is given... in my blood')
)
T. Iniutos ba ng Panginoong Jesus ang pagalaalang ito sa kanya sa buong iglesia?
S. Utos sa buong iglesia.
“Sapagka’t tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay; At nang siya’y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito’y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito’y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo’y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.” (1 Cor. 11:23-25 [show]1 Corinthians 11:23-25 For I received from the Lord what I also delivered to you, that the Lord Jesus on the night when he was betrayed took bread, and when he had given thanks, he broke it, and said, "This is my body which is for(1) you. Do this in remembrance of me."(2) In the same way also he took the cup, after supper, saying, "This cup is the new covenant in my blood. Do this, as often as you drink it, in remembrance of me." (ESV) Footnotes 1. [11:24] Some manuscripts 'broken for' 2. [11:24] Or 'as my memorial'; also verse 25
)
T. Gaano ba kahalaga ang kamatayan ng Anak ng Dios sa mga taong sumasampalataya sa kanya?
S. Ang kanyang kamatayan ang siyang nagligtas sa galit ng Dios, sa mga sumasampalataya at tumatalima sa kanya.
“Datapuwa’t ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya. Sapagka’t kung, noong tayo’y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay.” (Rom. 5:8-10 [show]Romans 5:8-10 but God shows his love for us in that while we were still sinners, Christ died for us. Since, therefore, we have now been justified by his blood, much more shall we be saved by him from the wrath of God. For if while we were enemies we were reconciled to God by the death of his Son, much more, now that we are reconciled, shall we be saved by his life. (ESV)
)
T. Gaano kahalaga at kabisa ang dugo ng Cristo?
S. Dugo ng bugtong na Anak ng Dios na nakilala bago itinatag ang sanglibutan.
“Na inyong nalalamang kayo’y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang; Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga’y ang dugo ni Cristo: Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni’t inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo.” (1 Pet. 1:18-20 [show]1 Peter 1:18-20 knowing that you were ransomed from the futile ways inherited from your forefathers, not with perishable things such as silver or gold, but with the precious blood of Christ, like that of a lamb without blemish or spot. He was foreknown before the foundation of the world but was made manifest in the last times for the sake of you (ESV)
)
T. Paano siya inihayag sa mga huling panahong ito?
S. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, o pagaanyong lamang salarin.
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.”
“… At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin….” (Jn. 1:1 [show]John 1:1 In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God. (ESV)
, Jn. 1:14 [show]John 1:14 And the Word became flesh and dwelt among us, and we have seen his glory, glory as of the only Son from the Father, full of grace and truth. (ESV)
)
“Sapagka’t ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan.” (Rom. 8:3 [show]Romans 8:3 For God has done what the law, weakened by the flesh, could not do. By sending his own Son in the likeness of sinful flesh and for sin,(1) he condemned sin in the flesh, (ESV) Footnotes 1. [8:3] Or 'and as a sin offering'
)
T. May pagpapahayag ba ang Biblia na hindi likas na tao kundi may unang kalagayan ang Cristo, na ang katawa’t dugo ay ipinangtubos sa kasalanan ng mga tao na sumasampalataya, nagsisi at nagbautismo?
S. May pagpapahayag, gaya ng sinasabi sa Heb. 5:7-9 [show]Hebrews 5:7-9
In the days of his flesh, Jesus(1) offered up prayers and supplications, with loud cries and tears, to him who was able to save him from death, and he was heard because of his reverence. Although he was a son, he learned obedience through what he suffered. And being made perfect, he became the source of eternal salvation to all who obey him, (ESV)
Footnotes
1. [5:7] Greek 'he'
.
“Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya’y dininig dahil sa kaniyang banal na takot, Bagama’t siya’y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis; At nang siya’y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya.” (Heb. 5:7-9 [show]Hebrews 5:7-9 In the days of his flesh, Jesus(1) offered up prayers and supplications, with loud cries and tears, to him who was able to save him from death, and he was heard because of his reverence. Although he was a son, he learned obedience through what he suffered. And being made perfect, he became the source of eternal salvation to all who obey him, (ESV) Footnotes 1. [5:7] Greek 'he'
)
T. May partikular bang mga tao na kinauukulan ng sakripisyo ng Anak ng Dios?
S. Mayroon, ang nangasa Iglesia ng Dios.
“…Gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya; Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito’y nararapat maging banal at walang kapintasan.” (Eph. 5:25-27 [show]Ephesians 5:25-27 Husbands, love your wives, as Christ loved the church and gave himself up for her, that he might sanctify her, having cleansed her by the washing of water with the word, so that he might present the church to himself in splendor, without spot or wrinkle or any such thing, that she might be holy and without blemish.(1) (ESV) Footnotes 1. [5:27] Or 'holy and blameless'
)
“ … Iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.” (1 Tim. 3:15 [show]1 Timothy 3:15 if I delay, you may know how one ought to behave in the household of God, which is the church of the living God, a pillar and buttress of the truth. (ESV)
)
T. Kung sa pamamagitan ng pagganap ng Hapunan ng Panginoon ay inaalala ng Iglesia ng Dios ang pagkamatay ng kanilang Pangulo at Panginoon, ano ang isang dakila at banal na paghahayag na may kaugnayan sa kaligtasan?
S. Ipahayag si Jesus na Panginoon, at sumampalataya na siya ay binuhay na maguli ng Dios.
“Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.” (Rom. 10:9-10 [show]Romans 10:9-10 because, if you confess with your mouth that Jesus is Lord and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For with the heart one believes and is justified, and with the mouth one confesses and is saved. (ESV)
).
T. Dahil sa napakadakilang pagkakataong ito, wala bang gampanin ang tumanggap ng kaligtasan upang mapanatili ang biyayang ito?
S. May gampanin. Ingatan ito sa pamamagitan ng pananampalatayang may kabuluhan.
“Ngayo’y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo’y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan, Sa pamamagitan naman nito’y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo’y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.” (1 Cor. 15:1-2 [show]1 Corinthians 15:1-2 Now I would remind you, brothers,(1) of the gospel I preached to you, which you received, in which you stand, and by which you are being saved, if you hold fast to the word I preached to you--unless you believed in vain. (ESV) Footnotes 1. [15:1] Or 'brothers and sisters'; also verses 6, 31, 50, 58
)
T. Sa anong pista ng mga Judio ginanap ng Panginoon ang huling Hapunan niya na kasama ang kanyang mga alagad?
S. Sa araw ng pascua ng mga Judio (Israelita).
“At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi ng Guro, malapit na ang aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad.”
“At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua.” (Mat. 26:18-19 [show]Matthew 26:18-19 He said, "Go into the city to a certain man and say to him, 'The Teacher says, My time is at hand. I will keep the Passover at your house with my disciples.'" And the disciples did as Jesus had directed them, and they prepared the Passover. (ESV)
).
T. Ano ba ang pascua ng mga Judio?
S. Ang pascua ng mga Judio ay ang pagalaala sa pagliligtas sa kanila ng Dios sa pagkaalipin sa Egipto, upang malayang makapanambahan sa kanya na Dios na Makapangyarihan sa lahat.
“Magdidiwang ka sa buwan ng Abib, at ipangingilin ang paskua sa Panginoon mong Dios: sapagka’t sa buwan ng Abib inilabas ka ng Panginoon mong Dios sa Egipto sa gabi. At iyong ihahain ang paskua sa Panginoon mong Dios, ang sa kawan at sa bakahan, sa dakong pipiliin ng Panginoon na patatahanan sa kaniyang pangalan.” (Deu. 16:1-2 [show]Deuteronomy 16:1-2 "Observe the month of Abib and keep the Passover to the LORD your God, for in the month of Abib the LORD your God brought you out of Egypt by night. And you shall offer the Passover sacrifice to the LORD your God, from the flock or the herd, at the place that the LORD will choose, to make his name dwell there. (ESV)
)
T. Kung ang kordero ng pascua ng mga Judio ay tunay na tupa, sino ang kordero ng pascua ng Iglesia ng Dios?
S. Si Cristo ang kordero ng pascua ng Iglesia ng Dios.
“Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo’y maging bagong limpak, na tulad sa kayo’y walang lebadura. Sapagka’t ang kordero ng ating paskua ay naihain na, sa makatuwid baga’y si Cristo.” (1 Cor. 5:7 [show]1 Corinthians 5:7 Cleanse out the old leaven that you may be a new lump, as you really are unleavened. For Christ, our Passover lamb, has been sacrificed. (ESV)
)
T. Minsan isang taon ay naghahandog ang dakilang Saserdote ng isang kordero para sa kanyang sarili at para sa buong bayang Israel (Heb. 9:7 [show]Hebrews 9:7
but into the second only the high priest goes, and he but once a year, and not without taking blood, which he offers for himself and for the unintentional sins of the people. (ESV)
) ilang ulit inihandog ng Panginoong Jesus ang kanyang sarili, bilang dakilang Saserdote at kordero?
S. Minsan magpakailan man inihandog ang kanyang sarili.
“Saka sinabi niya, “Narito, ako’y pumarito upang gawin ang iyong kalooban.” Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa. Sa kaloobang yaon tayo’y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man…. Sapagka’t sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal.” (Heb. 10:9-10, 14 [show]Hebrews 10:9-10 then he added, "Behold, I have come to do your will." He does away with the first in order to establish the second. And by that will we have been sanctified through the offering of the body of Jesus Christ once for all. (ESV) Hebrews 10:14 For by a single offering he has perfected for all time those who are being sanctified. (ESV)
)
T. Hanggang kailan gaganapin ng Iglesia ng Dios ang pagalaala ng pagkamatay ng Panginoong Jesus?
S. Hanggang sa dumating siya.
“Sapagka’t sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.” (1 Cor. 11:26 [show]1 Corinthians 11:26 For as often as you eat this bread and drink the cup, you proclaim the Lord's death until he comes. (ESV)
).
Search
Gallery
Kontak
Central Chapel, Mangino, Gapan City
S.E.C. Registry No. 128766
Tel: +44 4866462
Email: coe@iglesiangdios.orgPledges and Donation
Name of Bank : Philippine National Bank Gapan Branch Tinio St., San Vicente Gapan City, Nueva Ecija Account Name: IGLESIA NG DIOS (NPB) KAY CRISTO JESUS Account Number : 165360100019 Swift Code : PNBMPHMM Routing Number : 0260-0300-7Mga Bagong Balita at Gawain
- Bautismo Sa Jose Abad Santos Ng Mga Kapatid Sa Lokal Ng Pasay
- Pagdalaw ng COE sa Isabela Area
- Kapatiran sa Lokal ng Nagpandayan at Tampac Guimba
- Pagtataas ng Tungkulin ng mga Manggagawa
- Pagtataas Ng Tungkulin At Pagpapakilala Ng Bagong Elder
- Ang Kapatiran sa Nagpandayan At Tampac
- Pagsamba sa Lokal ng Bulac, Sta. Maria, Bulacan
Ang Pagliligtas
- Paunang Salita
- Maigsing Kasaysayang ng Biblia
- “Saliksikin ninyo ang mga Kasulatan”
- Ang Cristo ang Sentro ng Kasulatan
- “Lalangin Natin ang Tao”
- Ang Magkakaibang mga Dios na mababasa sa Kasulatan
- Ang Anak ay Kasama na ng Ama Bago Nagkatawang-Tao
- Kung Sino ang Nakakakilala sa Ama at sa Anak
- Ang Espiritu Santo
- Ang Anghel
- Ang Diablo
- Ang Tao
- Ang Kamatayan
- Ang Pananampalataya
- Ang Iglesia
- Ang Hula at Katuparan ng Pagdating ng Iglesia ng Dios sa Pilipinas
- Ang Pamamahala ng Dios sa Kanyang Iglesia
- Ang Sangbahayan ng Dios
- Ang Hapunan ng Panginoon
- Ang Paghuhukom
- Ang Pagkabuhay na Maguli
- Ang Paghatol sa mga Masasama
- Ang Isang Bagong Langit at Isang Bagong Lupa
Who's Online
- 0 Members.
- 5 Guests.
