Ang Hula at Katuparan ng Pagdating ng Iglesia ng Dios sa Pilipinas

 

Sa pagtalakay sa paksang ANG IGLESIA, ay ating nalaman at naunawaan ang mahahalagang katotohanan na: (a) ang Dios ang nagtayo ng kanyang iglesia, (b) ang kanyang Anak na si Cristo Jesus ang pinagtayuan, at (k) si Pedro ang saksi at pinagpahayagan ng Dios ng kanyang pagtatayo ng iglesia sa kanyang Anak na si Cristo Jesus. Nalaman din natin na ang Iglesia ng Dios na itinayo kay Cristo Jesus ay isang muling pagtatayo, na ang una ay ang iglesia sa ilang; na ang inilagay ng Dios na Pangulo noon ay si Moises. (Act. 15:16-18 [show]Acts 15:16-18 "'After this I will return, and I will rebuild the tent of David that has fallen; I will rebuild its ruins, and I will restore it, that the remnant(1) of mankind may seek the Lord, and all the Gentiles who are called by my name, says the Lord, who makes these things known from of old.' Footnotes 1. [15:17] Or 'rest'
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
; Act. 7:35 [show]Acts 7:35 "This Moses, whom they rejected, saying, 'Who made you a ruler and a judge?'--this man God sent as both ruler and redeemer by the hand of the angel who appeared to him in the bush. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
).

T. Kailan muling naitayo ng Dios ang kanyang iglesia?

S. Nang araw ng Pentecostes, nang tanggapin ng mga apostol ang Espiritu Santo kasama ang iba pang mga kapatid.

“At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako. At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan. At sa kanila’y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa’t isa sa kanila. At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain.” (Act. 2:1-4 [show]Acts 2:1-4 When the day of Pentecost arrived, they were all together in one place. And suddenly there came from heaven a sound like a mighty rushing wind, and it filled the entire house where they were sitting. And divided tongues as of fire appeared to them and rested(1) on each one of them. And they were all filled with the Holy Spirit and began to speak in other tongues as the Spirit gave them utterance. (ESV) Footnotes 1. [2:3] Or 'And tongues as of fire appeared to them, distributed among them, and rested'
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

May gulang 30 taon sa katawang-tao ang Panginoong Jesus, nang nagsimula siya sa pangangaral (Luk. 3:23 [show]Luke 3:23 Jesus, when he began his ministry, was about thirty years of age, being the son (as was supposed) of Joseph, the son of Heli, (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
). Tatlong taon tumagal ang kanyang misyon sa lupa, sapagka’t tatlong pascua ang dumaan (Jn. 2:13 [show]John 2:13 The Passover of the Jews was at hand, and Jesus went up to Jerusalem. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
; Jn. 11:55; Jn. 19:14), bago natapos ang kanyang pangangaral ng evangelio. Samakatuwid ay 33 A.D. nang naitayo ng Dios ang kanyang iglesia ka Cristo Jesus. Ito’y nang umakyat na sa langit ang Panginoong Jesus at tanggapin ang Espiritu Santo ng mga apostol at ng iba pang miyembro sa bahay ng kanilang pinagtitipunan.

T. Ano ang mahahalagang pahayag na dapat nating malaman ng tagpo sa bahay nang dumating ang Espiritu Santo na sumangkap sa mga apostol at mga kapatid na nangaroroon?

S.

  1. Biglang dumating mula sa langit.

Bigla, samakatuwid ay surpriesa, na nagtataglay ng diin ang pagdating mula sa langit ng kapangyarihan ng Dios. Ito’y hudyat ng pagtatatag ng Dios ng kanyang iglesia kay Cristo Jesus, na ang unang mga miyembro ay ang iilang mga tao na nangasa loob ng Bahay. Pansinin na ang buong bahay ay pinuno ng humahagibis na hanging malakas na dumating na kapangyarihan ng Dios na Espiritu Santo.

  1. Napakitang mga dilang kawangis ng apoy.

Hindi lamang nadama kundi nakita pa ng mga dinatnang mga apostol at mga kapatid ang dumating na kapangyarihan mula sa itaas. Ang anyo ay kawangis ng dilang apoy. Hindi lamang nakita kundi dumapo pa sa bawa’t isa sa kanila. Hindi lamang dumapo kundi sumangkap pa sa kanila. Napakamahalaga ng tagpong yaon. Makahulugan. Sapagka’t noon nagsimula ang ningas ng pangangaral ng muling itinayong
Iglesia ng Dios.

  1. Nangapuspos ng Espiritu Santo.

Ano ang Espiritu Santo? Ito ang kapangyarihang dumating sa mga apostol at mga kapatid sa bahay na kanilang pinagtitipunan. Ang Espiritu Santo ay siyang buhay at kapangyarihan ng Dios na isinasangkap sa katawang sa Dios o Iglesia ng Dios na ang Pangulo ay si Cristo Jesus.

  1. Pagsasalita sa iba’t ibang wika.

Sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay nangagsalita ang mga apostol ng iba’t ibang wika. (Act. 2:5-11 [show]Acts 2:5-11 Now there were dwelling in Jerusalem Jews, devout men from every nation under heaven. And at this sound the multitude came together, and they were bewildered, because each one was hearing them speak in his own language. And they were amazed and astonished, saying, "Are not all these who are speaking Galileans? And how is it that we hear, each of us in his own native language? Parthians and Medes and Elamites and residents of Mesopotamia, Judea and Cappadocia, Pontus and Asia, Phrygia and Pamphylia, Egypt and the parts of Libya belonging to Cyrene, and visitors from Rome, both Jews and proselytes, Cretans and Arabians--we hear them telling in our own tongues the mighty works of God." (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
). Ang kaloob na kapangyarihang ito na makapagsalita ng iba’t ibang wika ay hudyat na ang pinto ng bahay ng Dios – Iglesia ng Dios – ay bukas sa lahat ng mga wika at mga bansa, sa mga nangalalapit at nangalalayo, maging ilan man ang tawagin ng ating Panginoong Dios. (Eph. 2:17 [show]Ephesians 2:17 And he came and preached peace to you who were far off and peace to those who were near. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
; 2:39) Nagpapahiwatig ang pangyayaring ito na ang Iglesia ng Dios ay lalaganap sa buong sanglibutan, ayon sa propesiya ng Pangulo nito na si Cristo Jesus. (Mat. 24:14 [show]Matthew 24:14 And this gospel of the kingdom will be proclaimed throughout the whole world as a testimony to all nations, and then the end will come. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

T. Ilan ba ang unang miyembro ng Iglesia ng Dios na itinayo kay Cristo Jesus?

S. May isang daa’t dalawampu (120) ang panimulang mga miyembro.

“Ang lahat ng mga ito’y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid niya.” “At nang mga araw na ito’y nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid, at nagsabi (at nangagkakatipon ang karamihang mga tao, na may isang daa’t dalawangpu)” Act. 1:14-15 [show]Acts 1:14-15 All these with one accord were devoting themselves to prayer, together with the women and Mary the mother of Jesus, and his brothers.(1) In those days Peter stood up among the brothers (the company of persons was in all about 120) and said, (ESV) Footnotes 1. [1:14] Or 'brothers and sisters'. The plural Greek word 'adelphoi' (translated "brothers") refers to siblings in a family. In New Testament usage, depending on the context, 'adelphoi' may refer either to men or to both men and women who are siblings (brothers and sisters) in God's family, the church; also verse 15
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
.

T. Ayon sa hula lalaganap ba hanggang sa mga Gentil, mula sa Jerusalem, ang Iglesia ng Dios?

S. Aabot hanggang sa mga Gentil (mga bansa)

“Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako’y babalik, At muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; At muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito’y aking itatayo: Upang hanapin ng nalabi sa mga tao ang Panginoon, At ng lahat ng mga Gentil, na tinatawag sa aking pangalan, Sabi ng Panginoon, na nagpapakilala ng mga bagay na ito mula nang una.” (Act. 15:16-18 [show]Acts 15:16-18 "'After this I will return, and I will rebuild the tent of David that has fallen; I will rebuild its ruins, and I will restore it, that the remnant(1) of mankind may seek the Lord, and all the Gentiles who are called by my name, says the Lord, who makes these things known from of old.' Footnotes 1. [15:17] Or 'rest'
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

Ang mga Gentil ay ang mga bansang hindi kabilang sa bansang Israel. Ang inabot na noon ng pangangaral ng mga apostol ay ang Corinto, Galacia, Efeso, Filipos at Tesalonica at iba pa, sa ka-Gentilan. At ngayon, sa pamamagitan ng Biblia na kinasusulatan ng kanilang pangangaral ay umabot na sa America, Europa, sa Asia at mga pulo na gaya ng Pilipinas. Ang mga Gentil ay ang mga bansang sinasabi sa Eph. 2:11-12 [show]Ephesians 2:11-12 Therefore remember that at one time you Gentiles in the flesh, called "the uncircumcision" by what is called the circumcision, which is made in the flesh by hands-- remember that you were at that time separated from Christ, alienated from the commonwealth of Israel and strangers to the covenants of promise, having no hope and without God in the world. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
, na “mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan.”

“Datapuwa’t ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo. Sapagka’t siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay, Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan; At upang papagkasunduin silang dalawa sa isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, na sa kaniya’y pinatay ang pagkakaalit.” (Eph. 2:13-16 [show]Ephesians 2:13-16 But now in Christ Jesus you who once were far off have been brought near by the blood of Christ. For he himself is our peace, who has made us both one and has broken down in his flesh the dividing wall of hostility by abolishing the law of commandments expressed in ordinances, that he might create in himself one new man in place of the two, so making peace, and might reconcile us both to God in one body through the cross, thereby killing the hostility. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

T. Hanggang saan aabot ang paglaganap ng Iglesia ng Dios?

S. Hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

“Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.” (Act. 1:8 [show]Acts 1:8 But you will receive power when the Holy Spirit has come upon you, and you will be my witnesses in Jerusalem and in all Judea and Samaria, and to the end of the earth." (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

Kasama ang mga propeta, na mga saksi ng Amang Dios – na ipinahahayag ng Aklat ng Matandang Tipan – ang mga apostol ng Panginoong Jesus ay patuloy na nagpapatotoo o nangangaral ng evangelio, na itinuro sa kanila ng Gurong mula sa langit na si Cristo. Ayon sa utos ng Panginoong Jesus, hanggang sa kahuli-hulihang hangganan ng lupa ang kanilang pagsaksi o pangangaral. Sa pamamagitan ng bibig nang sila ay nabubuhay pa, ngunit nang sila ay mamatay na ay sa pamamagitan ng kanilang mga sulat. Ang wika na ni Apostol Juan.

Kasama ng mga tinawag sa iba’t ibang dako ng daigdig, ang Pilipinas na inaring bayan ng Dios. Hindi bagong tayo ang Iglesia ng Dios (na pinapaging banal) kay Cristo Jesus dito sa Pilipinas, kundi idinagdag lamang sa Iglesia ng Dios na nasusulat sa Biblia. Hindi marami ang Iglesia ng Dios na katawan ng Ulo na si Cristo Jesus (Col. 1:18 [show]Colossians 1:18 And he is the head of the body, the church. He is the beginning, the firstborn from the dead, that in everything he might be preeminent. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
, Col. 1:24 [show]Colossians 1:24 Now I rejoice in my sufferings for your sake, and in my flesh I am filling up what is lacking in Christ's afflictions for the sake of his body, that is, the church, (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
), na pinatutunayan ni Apostol Pablo.

“May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.” (Eph. 4:4-6 [show]Ephesians 4:4-6 There is one body and one Spirit--just as you were called to the one hope that belongs to your call-- one Lord, one faith, one baptism, one God and Father of all, who is over all and through all and in all. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

T. Sa kanginong pangalan, ayon sa hula, tatawagin ang mga Gentil na inaring bayan ng Dios?

S. Sa pangalan ng Amang Panginoon.

“Sinaysay na ni Simeon kung paanong dinalaw na una ng Dios ang mga Gentil, upang kumuha sa kanila ng isang bayan sa kaniyang pangalan. At dito’y nasasangayon ang mga salita ng mga propeta; gaya ng nasusulat.” (Act. 15:14-15 [show]Acts 15:14-15 Simeon has related how God first visited the Gentiles, to take from them a people for his name. And with this the words of the prophets agree, just as it is written, (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
).

T. Sa mga pangalan ng Amang Dios, sa Banal na Kasulatan, alin ang kanyang pangalan na kanyang ipinasiya na itawag sa kanya na pinakaalaala ng lahat ng mga lahi?

S. Ang pangalang DIOS

“At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.” (Exo. 3:15 [show]Exodus 3:15 God also said to Moses, "Say this to the people of Israel, 'The LORD,(1) the God of your fathers, the God of Abraham, the God of Isaac, and the God of Jacob, has sent me to you.' This is my name forever, and thus I am to be remembered throughout all generations. (ESV) Footnotes 1. [3:15] The word 'LORD', when spelled with capital letters, stands for the divine name, 'YHWH', which is here connected with the verb 'hayah', "to be" in verse 14
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

Ang ilang mga pangalang napasulat sa Banal na Kasulatan ng Panginoong Dios na makapangyarihan sa lahat ay: PANGINOON (Exo. 15:13 [show]Exodus 15:13 "You have led in your steadfast love the people whom you have redeemed; you have guided them by your strength to your holy abode.
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
), PANGINOON ng mga hukbo (Isa. 47:4 [show]Isaiah 47:4 Our Redeemer--the LORD of hosts is his name-- is the Holy One of Israel.
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
), JEHOVAH (Exo. 6:3 [show]Exodus 6:3 I appeared to Abraham, to Isaac, and to Jacob, as God Almighty,(1) but by my name the LORD I did not make myself known to them. (ESV) Footnotes 1. [6:3] Hebrew 'El Shaddai'
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
), JAH (Psa. 68:4 [show]Psalm 68:4 Sing to God, sing praises to his name; lift up a song to him who rides through the deserts; his name is the LORD; exult before him!
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
), at DIOS (Amo. 5:27 [show]Amos 5:27 and I will send you into exile beyond Damascus," says the LORD, whose name is the God of hosts. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

T. Natupad ba ang kalooban ng Ama na sa kanyang pangalang DIOS tawagin ang kanyang iglesia sa huling araw?

S. Natupad sapagka’t,

  1. Ito rin ang itinagubilin ng kanyang bugtong na Anak na isinugo sa huling araw.

“At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako’y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, na gaya naman natin.” (Jn. 17:11 [show]John 17:11 And I am no longer in the world, but they are in the world, and I am coming to you. Holy Father, keep them in your name, which you have given me, that they may be one, even as we are one. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
).

Ang mga ibinigay ng Ama sa Anak, upang panguluhan, ay dapat tawagin sa pangalan ng Ama. Samakatuwid, ang mga iglesia na hindi tinatawag sa pangalan ng Ama ay hindi niluluwalhati ang Ama, at hindi napasasakop sa Anak. Manapa’y sila ang sinasabi ng Apostol na si Pablo na “…kahit kilala nila ang Dios, siya’y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.” (Rom. 1:21 [show]Romans 1:21 For although they knew God, they did not honor him as God or give thanks to him, but they became futile in their thinking, and their foolish hearts were darkened. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

  1. Ang iglesiang itinayo ng Dios kay Cristo Jesus ay inusig ni Pablo, ay may pangalang Iglesia ng Dios.

“Sapagka’t inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios.” (Gal. 1:13 [show]Galatians 1:13 For you have heard of my former life in Judaism, how I persecuted the church of God violently and tried to destroy it. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

“Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka’t pinagusig ko ang iglesia ng Dios.” (1 Cor. 15:9 [show]1 Corinthians 15:9 For I am the least of the apostles, unworthy to be called an apostle, because I persecuted the church of God. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

“Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga’y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.” (1 Cor. 11:22 [show]1 Corinthians 11:22 What! Do you not have houses to eat and drink in? Or do you despise the church of God and humiliate those who have nothing? What shall I say to you? Shall I commend you in this? No, I will not. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

Ang iglesiang itinayo ng Dios kay Cristo Jesus sa Jerusalem, ay inusig at nangalat. (Gawa 8:1) Isa si Pablo (Saulo) na malabis na umusig dito ay nagpapatotoo, na ang pangalan niyaon ay Iglesia ng Dios. Na dahil sa kahabagan ng Dios sa kanya ay tinawag siya upang maging miyembro ng Iglesia ng Dios. Ano ang pangalan ng Iglesia na pinagtawagan sa kanya para maging apostol. Ang kanyang patotoo:

“Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid, Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga’y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa’t dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon. (1 Cor. 1:1-2 [show]1 Corinthians 1:1-2 Paul, called by the will of God to be an apostle of Christ Jesus, and our brother Sosthenes, To the church of God that is in Corinth, to those sanctified in Christ Jesus, called to be saints together with all those who in every place call upon the name of our Lord Jesus Christ, both their Lord and ours: (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

T. Sino ang katulad ng mga hindi nagpaparangal sa pangalan ng Panginoon, sa paraang sa ibang pangalan nila tinawag ang kanilang iglesia?

S. Gaya ng mga saserdote na nagsihamak sa pangalan ng Panginoon.

“Iginagalang ng anak ang kaniyang ama, at ng alila ang kaniyang panginoon: kung ako nga’y ama, saan nandoon ang aking dangal? at kung ako’y panginoon, saan nandoon ang takot sa akin? sabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo, Oh mga saserdote, na nagsisihamak ng aking pangalan. At inyong sinasabi, Sa ano namin hinamak ang iyong pangalan?” (Malakias 1:6).

Normal na ang anak ay igalang ang kanyang ama sa pamamagitan ng pagtataglay ng pangalan (apelyido) ng kaniyang ama. Ngunit may mga cristiano na sa kabila nang tinatanggap nila ang Panginoong Dios ay kanilang Ama, ay ikinararangal pa na sa ibang pangalan tawagin ang kanilang iglesia. Sa ganito’y nakakatulad sila ng mga saserdote na nagsisihamak sa pangalan ng Panginoong Dios. Gaya din sila ng mga propeta na naghuhula ng kasinungalingan na sinasabi ni propeta Jeremias:

“Hanggang kailan masusumpungan ito sa puso ng mga propeta na nanganghuhula ng mga kasinungalingan; sa makatuwid baga’y ng mga propeta na nanganghuhula ng daya ng kanilang sariling puso? Na nagaakalang magpalimot sa aking bayan ng aking pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip na sinasaysay ng bawa’t isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, gaya ng kanilang mga magulang na nakalimot ng aking pangalan dahil kay Baal.” (Jer. 23:26-27 [show]Jeremiah 23:26-27 How long shall there be lies in the heart of the prophets who prophesy lies, and who prophesy the deceit of their own heart, who think to make my people forget my name by their dreams that they tell one another, even as their fathers forgot my name for Baal? (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

Ang mga nangagtindig ng kanilang iglesia ay nilimot ang pangalan ng Panginoong Dios sa pamamagitan ng paglalagay ng ibang pangalan na kapalit ng Pangalan ng Panginoong Dios, na siyang tunay na nagtayo at may ari ng iglesia. Dahil nga rito’y nagsulputan ang maraming sekta, malalake at maliliit na ang kanilang niluluwalhati ay ang pangalan ng nilalang, na sa ganitong paraan ay nililimot ang pangalan ng Lumalang. (Rom. 1:25 [show]Romans 1:25 because they exchanged the truth about God for a lie and worshiped and served the creature rather than the Creator, who is blessed forever! Amen. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
).

T. Dito lamang ba sa lupa mahalaga sa Panginoong Jesus ang pangalan ng kanyang Ama?

S. Hanggang sa bagong Jerusalem.

“At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo: … Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.” (Rev. 3:1, 11-12 [show]Revelation 3:1 "And to the angel of the church in Sardis write: 'The words of him who has the seven spirits of God and the seven stars. "'I know your works. You have the reputation of being alive, but you are dead. (ESV) Revelation 3:11-12 I am coming soon. Hold fast what you have, so that no one may seize your crown. The one who conquers, I will make him a pillar in the temple of my God. Never shall he go out of it, and I will write on him the name of my God, and the name of the city of my God, the new Jerusalem, which comes down from my God out of heaven, and my own new name. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
).

Sapagka’t ang Dios ang “may ibig na ang lahat ng mga tao’y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan” (1 Tim. 2:4 [show]1 Timothy 2:4 who desires all people to be saved and to come to the knowledge of the truth. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
). Sa panukalang ito ay walang makapipigil. Dahil dito’y ang paglaganap ng Iglesia ng Dios ay patuloy sa lahat ng dako ng sanglibutan, bagaman sa paraang Munting Kawan sa bawat dako (Luk. 12:32 [show]Luke 12:32 "Fear not, little flock, for it is your Father's good pleasure to give you the kingdom. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
), ang nangadaragdag. Pinatitibayan ito ng propesiya sa Apocalipsis na mangyayari sa dulo ng mga panahon na sinasabi:

“Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa’t bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay; At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi, Ang pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.” (Rev. 7:9-10 [show]Revelation 7:9-10 After this I looked, and behold, a great multitude that no one could number, from every nation, from all tribes and peoples and languages, standing before the throne and before the Lamb, clothed in white robes, with palm branches in their hands, and crying out with a loud voice, "Salvation belongs to our God who sits on the throne, and to the Lamb!" (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

Ito’y malinaw na pagpapahayag na sa lahat ng dako, sa buong panahon ng huling araw (A.D.) ng daigdig ay maabot ng pagliligtas ng Dios. Ngunit hindi sa paraan ng kaisipan ng tao, kundi ng Dios, Ang paraan ay: (a) tanggapin ang kanyang Sugo sa huling araw na walang iba kundi ang kanyang bugtong na Anak na si Cristo Jesus, Jn. 1:12 [show]John 1:12 But to all who did receive him, who believed in his name, he gave the right to become children of God, (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
; (b) sumampalataya sa kanyang pangalan upang magkaroon ng karapatang maging mga anak ng Dios, (Jn. 1:12-13 [show]John 1:12-13 But to all who did receive him, who believed in his name, he gave the right to become children of God, who were born, not of blood nor of the will of the flesh nor of the will of man, but of God. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
); samakatuwid ay nararapat na maging miyembro ng kanyang sangbahayan, (Eph. 2:19 [show]Ephesians 2:19 So then you are no longer strangers and aliens,(1) but you are fellow citizens with the saints and members of the household of God, (ESV) Footnotes 1. [2:19] Or 'sojourners'
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
); (k) sapagka’t anak at miyembro ng kanyang sangbahayan, katuwiran lamang na tawagin o taglayin ang kanyang pangalang Dios. (Jn. 17:11-12 [show]John 17:11-12 And I am no longer in the world, but they are in the world, and I am coming to you. Holy Father, keep them in your name, which you have given me, that they may be one, even as we are one. While I was with them, I kept them in your name, which you have given me. I have guarded them, and not one of them has been lost except the son of destruction, that the Scripture might be fulfilled. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
); (d) Siya na Amang Dios ang nagtatag ng kanyang sangbahayan sa kanyang Anak na si Cristo Jesus, (Eph. 2:20-22 [show]Ephesians 2:20-22 built on the foundation of the apostles and prophets, Christ Jesus himself being the cornerstone, in whom the whole structure, being joined together, grows into a holy temple in the Lord. In him you also are being built together into a dwelling place for God by(1) the Spirit. (ESV) Footnotes 1. [2:22] Or 'in'
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
); (e) minsan lamang muling itinatag ng Amang Dios ang kanyang sangbahayan (iglesia ng Dios), na dahil dito’y ang mga miyembro ng Iglesia ng Dios (na pinapaging banal) kay Cristo Jesus sa Pilipinas at saan mang dako, ay pawang nadaragdag lamang sa isa at tunay na Iglesia ng Dios na nasusulat sa Banal na Kasulatan. (Act. 2:41 [show]Acts 2:41 So those who received his word were baptized, and there were added that day about three thousand souls. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
; 1 Cor. 1:1-2 [show]1 Corinthians 1:1-2 Paul, called by the will of God to be an apostle of Christ Jesus, and our brother Sosthenes, To the church of God that is in Corinth, to those sanctified in Christ Jesus, called to be saints together with all those who in every place call upon the name of our Lord Jesus Christ, both their Lord and ours: (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
).

Kung kaya, upang makatiyak ng kaligtasan na pinakahahangad ng sinomang tao, ay nararapat na pasaklaw sa paraan at katuwiran ng pagliligtas ng Dios, at huwag sa paraan at katuwiran ng pagliligtas ng tao, sapagka’t:

“May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni’t ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.” (Pro. 14:12 [show]Proverbs 14:12 There is a way that seems right to a man, but its end is the way to death.(1) Footnotes 1. [14:12] Hebrew 'ways of death'
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
)

“Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni’t hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat. Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni’t hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay.” (1 Cor. 10:23 [show]1 Corinthians 10:23 "All things are lawful," but not all things are helpful. "All things are lawful," but not all things build up. (ESV)
This text is from the ESV Bible. Visit www.esv.org to learn about the ESV.
).