Ang Paghuhukom
T. Ano ang paghuhukom?
S. Kahatulan sa bawa’t gawa, maging ito’y mabuti o masama.
“Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka’t ito ang buong katungkulan ng tao. Sapagka’t dadalhin ng Dios ang bawa’t gawa sa kahatulan, pati ng bawa’t kubling bagay, maging ito’y mabuti o maging ito’y masama.” (Ecc. 12:13-14 [show]Ecclesiastes 12:13-14 The end of the matter; all has been heard. Fear God and keep his commandments, for this is the whole duty of man.(1) For God will bring every deed into judgment, with(2) every secret thing, whether good or evil. (ESV) Footnotes 1. [12:13] Or 'the duty of all mankind' 2. [12:14] Or 'into the judgment on'
)
Ang Dios lamang ang may kakayahan at kapangyarihang hatulan pati ng kubling bagay na ginawa ng bawa’t tao. Kaya’t sa Dios lamang nagbubuhat ang matuwid na paghuhukom.
T. Kailan itinakda ng Dios ang paghuhukom sa tao?
S. Pagkatapos na ang tao ay mamatay na minsan.
“At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom.” (Heb. 9:27 [show]Hebrews 9:27 And just as it is appointed for man to die once, and after that comes judgment, (ESV)
)
T. Ang ibig bang sabihin nito’y nasa libingan pa ang tao ay huhukuman na niya?
S. Hindi, bubuhaying maguli upang hatulan.
“Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka’t dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.” (Jn. 5:28-29 [show]John 5:28-29 Do not marvel at this, for an hour is coming when all who are in the tombs will hear his voice and come out, those who have done good to the resurrection of life, and those who have done evil to the resurrection of judgment. (ESV)
)
T. Wala bang mga tao na samantalang nabubuhay ay nasa ilalim na ng paghuhukom?
S. Mayroon, ang nasa bahay o Iglesia ng Dios.
“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?” (1 Pet. 4:17 [show]1 Peter 4:17 For it is time for judgment to begin at the household of God; and if it begins with us, what will be the outcome for those who do not obey the gospel of God? (ESV)
); ang bahay ng Dios. (1 Tim. 3:15 [show]1 Timothy 3:15 if I delay, you may know how one ought to behave in the household of God, which is the church of the living God, a pillar and buttress of the truth. (ESV)
).
T. Bakit samantalang buhay pa ang mga kay Cristo na nasa Iglesia ng Dios ay hinuhukuman na?
S. Nabubuhay man kung hindi nagbubunga ay pinuputol ng Ama.
“Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang magsasaka. Ang bawa’t sanga na sa akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis niya: at ang bawa’t sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga.” (Jn. 15:1-2 [show]John 15:1-2 "I am the true vine, and my Father is the vinedresser. Every branch in me that does not bear fruit he takes away, and every branch that does bear fruit he prunes, that it may bear more fruit. (ESV)
).
- Kasama ng Panginoong Jesus ang iglesia sa araw na kanyang hahatulan ang masasama, kung kaya’t ngayon pa lamang ay una nang hinahatulan ang nangasa bahay ng Dios.
“O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?
“Hindi baga ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol sa buhay na ito?” (1 Cor. 6:2-3 [show]1 Corinthians 6:2-3 Or do you not know that the saints will judge the world? And if the world is to be judged by you, are you incompetent to try trivial cases? Do you not know that we are to judge angels? How much more, then, matters pertaining to this life! (ESV)
)
Mahalaga na malaman ng isang cristiano ang aral ng Panginoong Jesus na,
“Ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.” (Mat. 24:13 [show]Matthew 24:13 But the one who endures to the end will be saved. (ESV)
)
At ang sabi naman ni Apostol Pedro na,
“Sapagka’t kung, pagkatapos na sila’y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una. Sapagka’t magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.” (2 Pet. 2:20-21 [show]2 Peter 2:20-21 For if, after they have escaped the defilements of the world through the knowledge of our Lord and Savior Jesus Christ, they are again entangled in them and overcome, the last state has become worse for them than the first. For it would have been better for them never to have known the way of righteousness than after knowing it to turn back from the holy commandment delivered to them. (ESV)
).
T. Sa muling pagparito ng Panginoong Jesus, ano ang mabuting magaganap sa kanyang mga lingkod na nagtapat hanggang kamatayan?
S. Unang mangabubuhay na maguli.
“Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.” (1 The. 4:16-17 [show]1 Thessalonians 4:16-17 For the Lord himself will descend from heaven with a cry of command, with the voice of an archangel, and with the sound of the trumpet of God. And the dead in Christ will rise first. Then we who are alive, who are left, will be caught up together with them in the clouds to meet the Lord in the air, and so we will always be with the Lord. (ESV)
).
Narito ang gantimpala sa mga nanatiling sa Panginoon hanggang kamatayan. Ang unang paghuhukom ay magaganap (na nagaganap na ngayon) sa bahay ng Dios (Iglesia ng Dios) upang mapili ang mga tapat hanggang kamatayan. Ang tapat na miyembro ng Iglesia ng Dios ay siyang karapatdapat sa unang pagkabuhay na maguli; na kasama din ng mga banal na aabutang buhay sa muling pagparito ng Panginoon, na sasalubong sa kanya upang makasama ng Panginoon magpakailan man.
T. Anong uring katawan ang tataglayin ng mga nanatiling tapat sa paglilingkod sa Panginoon sa pagsalubong sa kanya?
S. Katulad ng katawan ng kanyang kaluwalhatian.
“Sapagka’t ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.” (Phi. 3:20-21 [show]Philippians 3:20-21 But our citizenship is in heaven, and from it we await a Savior, the Lord Jesus Christ, who will transform our lowly body to be like his glorious body, by the power that enables him even to subject all things to himself. (ESV)
)
T. Ano ang paliwanag tungkol sa katawang yaon na ipapalit sa katawan ng ating pagkamababa?
S. Katawang walang kasiraan at walang kamatayan.
“Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan. Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni’t tayong lahat ay babaguhin, Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin. Sapagka’t kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.” (1 Cor. 15:50-53 [show]1 Corinthians 15:50-53 I tell you this, brothers: flesh and blood cannot inherit the kingdom of God, nor does the perishable inherit the imperishable. Behold! I tell you a mystery. We shall not all sleep, but we shall all be changed, in a moment, in the twinkling of an eye, at the last trumpet. For the trumpet will sound, and the dead will be raised imperishable, and we shall be changed. For this perishable body must put on the imperishable, and this mortal body must put on immortality. (ESV)
).
T. Saan dadalhin ng Panginoong Jesus ang kanyang mga tapat na lingkod, pagkatapos na unang buhaying maguli?
S. Kasama niyang mangaghahari sa loob ng isang libong taon.
“Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito’y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila’y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.” (Rev. 20:6 [show]Revelation 20:6 Blessed and holy is the one who shares in the first resurrection! Over such the second death has no power, but they will be priests of God and of Christ, and they will reign with him for a thousand years. (ESV)
)
“Datapuwa’t ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni papagaasawahin: Sapagka’t hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagka’t kahalintulad na sila ng mga anghel; at sila’y mga anak ng Dios, palibhasa’y mga anak ng pagkabuhay na maguli.” (Luk. 20:35-36 [show]Luke 20:35-36 but those who are considered worthy to attain to that age and to the resurrection from the dead neither marry nor are given in marriage, for they cannot die anymore, because they are equal to angels and are sons of God, being sons(1) of the resurrection. (ESV) Footnotes 1. [20:36] Greek 'huioi'; see preface
).
Ang paghaharian ng Cristo at ng kanyang mga banal ay ang mga,
“…. Hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus: Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.: (2 The. 1:8-9 [show]2 Thessalonians 1:8-9 in flaming fire, inflicting vengeance on those who do not know God and on those who do not obey the gospel of our Lord Jesus. They will suffer the punishment of eternal destruction, away from(1) the presence of the Lord and from the glory of his might, (ESV) Footnotes 1. [1:9] Or 'destruction that comes from'
).
Sa lupa ring ito magaganap ang paghahari ng Panginoong Jesus kasama ang kanyang mga banal sa loob ng isang libong taon, mula sa pagparito ng Panginoong Jesus. Kaparusahan para sa mga makasalanan ang pagharian sila ng mga banal. Isang libong taon na aasamin nila ang muling makasama ang kanilang dios ng sanglibutan (2 Cor. 4:4 [show]2 Corinthians 4:4 In their case the god of this world has blinded the minds of the unbelievers, to keep them from seeing the light of the gospel of the glory of Christ, who is the image of God. (ESV)
). Hindi nila gusto na ang Cristo at ang mga banal ang mangaghari sa kanila. Ang nais nila ay ang diablo na dumaya sa kanila. Kaya’t susunod silang may paghihimagsik sa kanilang kalooban, sa kabila ng nagkukunwang masunurin.
T. Pagkatapos ng isang libong taon na pamamahala ng Cristo at ng kanyang mga banal, sa pamamagitan ng panghampas na bakal sa mga taong masasama sa ibabaw ng lupang ito, kung pawalan na si Satanas ng kaunting panahon, ano ang mangyayari sa mga taong yaon, na masama?
S. Madaling madadaya na pinawalang diablo, at sasama sa pagkubkub sa kampamento ng mga banal.
“At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan, At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat. At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila’y nasupok.” (Rev. 20:7-9 [show]Revelation 20:7-9 And when the thousand years are ended, Satan will be released from his prison and will come out to deceive the nations that are at the four corners of the earth, Gog and Magog, to gather them for battle; their number is like the sand of the sea. And they marched up over the broad plain of the earth and surrounded the camp of the saints and the beloved city, but fire came down from heaven(1) and consumed them, (ESV) Footnotes 1. [20:9] Some manuscripts 'from God, out of heaven', or 'out of heaven from God'
)
T. Magtatagumpay kaya ang huling pagtatangkang yaon ni Satanas na kasama ang kanyang mga nangadaya, na daigin ang Anak ng Dios?
S. Hindi, sapagka’t susupukin sila ng apoy na mula sa langit.
“At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila’y nasupok.” (Rev. 20:9 [show]Revelation 20:9 And they marched up over the broad plain of the earth and surrounded the camp of the saints and the beloved city, but fire came down from heaven(1) and consumed them, (ESV) Footnotes 1. [20:9] Some manuscripts 'from God, out of heaven', or 'out of heaven from God'
)
T. Ano ang kasunod na mangyayari pagkatapos na mabigo ang huling kabuktutan ng Diablo na Satanas laban sa Dios at kay Cristo?
S. Ibinulid ang diablo sa dagatdagatang apoy.
“At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.” (Rev. 20:10 [show]Revelation 20:10 and the devil who had deceived them was thrown into the lake of fire and sulfur where the beast and the false prophet were, and they will be tormented day and night forever and ever. (ESV)
)
Pansinin, na aabutan na lamang ng Diablo ang kanyang mga lider sa pagdaraya doon sa parusahan na pinagtapunan sa kanya.
T. Ano ang kamanghamanghang mangyayari pagkatapos na ibulid ang nangagpahamak ng sanglibutan sa impierno?
S. Matatatag ang malaking maputing luklukan ng paghatol.
“At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila.” (Rev. 20:11 [show]Revelation 20:11 Then I saw a great white throne and him who was seated on it. From his presence earth and sky fled away, and no place was found for them. (ESV)
)
T. Sapagka’t wala na ang lupa, saan nangapunta ang mga patay na nangarito?
S. Nangakatayo sa harapan ng luklukan.
“At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa.” (Rev. 20:12-13 [show]Revelation 20:12-13 And I saw the dead, great and small, standing before the throne, and books were opened. Then another book was opened, which is the book of life. And the dead were judged by what was written in the books, according to what they had done. And the sea gave up the dead who were in it, Death and Hades gave up the dead who were in them, and they were judged, each one of them, according to what they had done. (ESV)
)
T. Ano ang mangyayari sa kamatayan at sa Hades (libingan) sa panahong yaon ng dakilang paghatol mula sa dakilang maputing luklukan?
S. Ibinulid sa dagatdagatang apoy na siyang ikalawang kamatayan.
“At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.” (Rev. 20:14 [show]Revelation 20:14 Then Death and Hades were thrown into the lake of fire. This is the second death, the lake of fire. (ESV)
)
Kung ang kamatayan ay wala ng kapangyarihan sa mga nangaligtas, at ang mga masasama ay nakatayo sa harapan ng luklukan ng paghatol, ang kamatayan kung gayon ay wala na sa ligtas at sa hindi ligtas. Tungkol naman sa Hades o libingan, ang lahat ng mga tao ay wala na sa libingan; ang mga banal ay nasa piling na ng Panginoong Jesus, at ang mga nasa pagkapahamak ay nangakatayo sa harapan ng trono ng paghatol, ang Hades kung gayon ay hiwalay na sa tao. Sapagka’t abstraktong bagay na umiral, ang ‘kamatayan’ at ang Hades, upang maging malinaw sa unawa, ang talatang 14 ay nagpapahayag na may kalagayan ang dalawang ito, na naging bahagi ng kasaysayan ng sangkatauhan. Nasa personipikadong kalagayan na kapuwa ibinulid sa dagatdagatang apoy ang kamatayan at ang Hades, na hiwalay sa mga taong buhay, sapagka’t mga binuhay na ngang maguli.
Dahil dito’y hindi na iiral sa mga tao ang kamatayan. Kaya’t ang mga banal ay sa buhay na walang hanggan sa kaluwalhatian na kasama ng Dios at ng Cristo (Rev. 21:3- 4 [show]Revelation 21:3-4 And I heard a loud voice from the throne saying, "Behold, the dwelling place(1) of God is with man. He will dwell with them, and they will be his people,(2) and God himself will be with them as their God.(3) He will wipe away every tear from their eyes, and death shall be no more, neither shall there be mourning, nor crying, nor pain anymore, for the former things have passed away." (ESV) Footnotes 1. [21:3] Or 'tabernacle' 2. [21:3] Some manuscripts 'peoples' 3. [21:3] Some manuscripts omit 'as their God'
); samantalang ang mga makasalanan ay sa walang hanggang kaparusahan na kasama ng diablo, ng hayop at ng bulaang propeta. “At sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.” (Rev. 20:10 [show]Revelation 20:10 and the devil who had deceived them was thrown into the lake of fire and sulfur where the beast and the false prophet were, and they will be tormented day and night forever and ever. (ESV)
)
T. Ano ang naging hatol mula sa maputing luklukan, sa mga hindi nagsisikilala sa Dios at hindi nagsitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus, na ang mga yaon ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay?
S. Ibinulid sa dagat-dagatang apoy.
“At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.” (Rev. 20:15 [show]Revelation 20:15 And if anyone's name was not found written in the book of life, he was thrown into the lake of fire. (ESV)
).
T. Ano ang kasunod na mangyayari pagkatapos ng pangkalahatang paghatol na ginawa mula sa maputing luklukan?
S. Paglitaw ng isang bagong langit at ang isang bagong lupa.
“At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka’t ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.” (Rev. 21:1 [show]Revelation 21:1 Then I saw a new heaven and a new earth, for the first heaven and the first earth had passed away, and the sea was no more. (ESV)
).
T. Saan dadalhin ng Panginoong Jesus ang kapiling niyang mga banal?
S. Sa bayang banal, ang bagong Jerusalem.
“At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.” (Rev. 21:2 [show]Revelation 21:2 And I saw the holy city, new Jerusalem, coming down out of heaven from God, prepared as a bride adorned for her husband. (ESV)
)
T. Sino ang makakatagpo ng mga banal sa bagong Jerusalem?
S. Ang Dios Ama.
“At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila.” (Rev. 21:3 [show]Revelation 21:3 And I heard a loud voice from the throne saying, "Behold, the dwelling place(1) of God is with man. He will dwell with them, and they will be his people,(2) and God himself will be with them as their God.(3) (ESV) Footnotes 1. [21:3] Or 'tabernacle' 2. [21:3] Some manuscripts 'peoples' 3. [21:3] Some manuscripts omit 'as their God'
)
T. Anong kaluwalhatian ang tatamasahin ng mga banal sa piling ng Dios?
S. Hindi na magkakaroon pa ng kamatayan at ang mga bagay nang una ay naparam na.
“At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.” (Rev. 21:4 [show]Revelation 21:4 He will wipe away every tear from their eyes, and death shall be no more, neither shall there be mourning, nor crying, nor pain anymore, for the former things have passed away." (ESV)
)
T. Magkakaroon pa ba ng gabi sa piling ng Dios sa bagong Jerusalem?
S. Hindi na magkakaroon pa ng gabi at ng liwanag ng araw.
“At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila’y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka’t liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila’y maghahari magpakailan kailan man.” (Rev. 22:5 [show]Revelation 22:5 And night will be no more. They will need no light of lamp or sun, for the Lord God will be their light, and they will reign forever and ever. (ESV)
).
T. Ang Amang Dios lamang ba ang makikita sa bagong Jerusalem, wala ba ang Panginoong Jesus doon?
S. Naroon at may luklukan sa tabi ng Dios, at makikita ng mga lingkod niya ang kanyang mukha.
“At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya’y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin; At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo.” (Rev. 22:3-4 [show]Revelation 22:3-4 No longer will there be anything accursed, but the throne of God and of the Lamb will be in it, and his servants(1) will worship him. They will see his face, and his name will be on their foreheads. (ESV) Footnotes 1. [22:3] Greek 'bondservants'; also verse 6
).
Search
Gallery
Kontak
Central Chapel, Mangino, Gapan City
S.E.C. Registry No. 128766
Tel: +44 4866462
Email: coe@iglesiangdios.orgPledges and Donation
Name of Bank : Philippine National Bank Gapan Branch Tinio St., San Vicente Gapan City, Nueva Ecija Account Name: IGLESIA NG DIOS (NPB) KAY CRISTO JESUS Account Number : 165360100019 Swift Code : PNBMPHMM Routing Number : 0260-0300-7Mga Bagong Balita at Gawain
- Bautismo Sa Jose Abad Santos Ng Mga Kapatid Sa Lokal Ng Pasay
- Pagdalaw ng COE sa Isabela Area
- Kapatiran sa Lokal ng Nagpandayan at Tampac Guimba
- Pagtataas ng Tungkulin ng mga Manggagawa
- Pagtataas Ng Tungkulin At Pagpapakilala Ng Bagong Elder
- Ang Kapatiran sa Nagpandayan At Tampac
- Pagsamba sa Lokal ng Bulac, Sta. Maria, Bulacan
Ang Pagliligtas
- Paunang Salita
- Maigsing Kasaysayang ng Biblia
- “Saliksikin ninyo ang mga Kasulatan”
- Ang Cristo ang Sentro ng Kasulatan
- “Lalangin Natin ang Tao”
- Ang Magkakaibang mga Dios na mababasa sa Kasulatan
- Ang Anak ay Kasama na ng Ama Bago Nagkatawang-Tao
- Kung Sino ang Nakakakilala sa Ama at sa Anak
- Ang Espiritu Santo
- Ang Anghel
- Ang Diablo
- Ang Tao
- Ang Kamatayan
- Ang Pananampalataya
- Ang Iglesia
- Ang Hula at Katuparan ng Pagdating ng Iglesia ng Dios sa Pilipinas
- Ang Pamamahala ng Dios sa Kanyang Iglesia
- Ang Sangbahayan ng Dios
- Ang Hapunan ng Panginoon
- Ang Paghuhukom
- Ang Pagkabuhay na Maguli
- Ang Paghatol sa mga Masasama
- Ang Isang Bagong Langit at Isang Bagong Lupa
Who's Online
- 0 Members.
- 5 Guests.
