Ang Pananampalataya
T. Ano ang pananampalataya?
S. “Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.” (Heb. 11:1 [show]Hebrews 11:1
Now faith is the assurance of things hoped for, the conviction of things not seen. (ESV)
)
- Kapanatagan sa mga bagay na hinihintay.Ang pananampalataya ay higit kaysa paniniwala. Ang salitang ‘pananalig’ ay siyang halos kasing kahulugan ng pananampalataya. Ang isang tao ay nananalig sa kanya na pinagsasaligan niya ng tiwala. Tulad ng isang anak sa kanyang ama. Dahil sa pananalig ng anak, ang anomang pangako ng kanyang ama, panatag at walang pagaalinlangan na hinihintay ang kaganapan niyaon, sapagka’t may pananalig.
Ang pananalig ay tao sa tao. Ngunit ang pananampalataya ay tao sa Dios. Karapatdapat sa pananampalataya ang Dios dahil sa kanyang pagiging Makapangyarihan sa lahat. Kapanatagan sa paghihintay ang nararapat lumagum sa katauhan ng sumasampalataya sa Dios, sa lahat ng mga bagay na kanyang sinalita at ipinangako, sapagka’t “walang salitang mula sa Dios na di may pangyayari.” (Luk. 1:37 [show]Luke 1:37 For nothing will be impossible with God." (ESV)
)
- Katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.Ang sumasampalataya sa Dios na di nakikita ay may katunayan sa kanyang buhay. Napatutunayan niya sa kanyang pamumuhay ang pagsunod sa mga salita ng Dios. Sapagka’t ang di nakikitang mga mabubuting bagay ng Dios ay ipinakikita ng may pananampalataya, sa pamamagitan ng mga paggawa o pagsunod sa mga iniuutos ng Dios na di nakikita. Samakatuwid ang mga gawa ng pananampalataya ay siyang katunayan na may Dios na di nakikita, na tumatahan sa tao, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, na kanyang kapangyarihang inilalakip sa tao.
T. May kaugnayan ba ang pananampalataya sa kaligtasan ng tao?
S. Mayroon, sa pamamagitan ng pananampalataya magtatamo ng kaligtasan ang tao.
“Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.” (Eph. 2:8- 9 [show]Ephesians 2:8-9 For by grace you have been saved through faith. And this is not your own doing; it is the gift of God, not a result of works, so that no one may boast. (ESV)
)
T. Kung walang pananampalataya, magiging kalugodlugod ba ang tao sa Dios?
S. Hindi magiging kalugodlugod sa Dios.
“At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka’t ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya’y nagsisihanap.” (Heb. 11:6 [show]Hebrews 11:6 And without faith it is impossible to please him, for whoever would draw near to God must believe that he exists and that he rewards those who seek him. (ESV)
)
T. May patotoo ba ang Kasulatan na hindi nalulugod ang Dios sa mga taong walang pananampalataya?
S. Ang unang bayan ay nabali (hindi naging kalugodlugod sa Dios) dahil sa kawalan ng pananampalataya.
“Mabuti; sa kawalan nila ng pananampalataya ay nangabali sila, at sa iyong pananampalataya’y nakatayo ka. Huwag kang magpalalo kundi matakot ka: Sapagka’t kung hindi nga pinatawad ng Dios ang mga talagang sanga, ikaw man ay hindi patatawarin.” (Rom. 11:20-21 [show]Romans 11:20-21 That is true. They were broken off because of their unbelief, but you stand fast through faith. So do not become proud, but fear. For if God did not spare the natural branches, neither will he spare you. (ESV)
)
Pansinin na, ang talatang sanga na tinutukoy dito ay ang Israel (Rom. 11:1 [show]Romans 11:1
I ask, then, has God rejected his people? By no means! For I myself am an Israelite, a descendant of Abraham,(1) a member of the tribe of Benjamin. (ESV)
Footnotes
1. [11:1] Or 'one of the offspring of Abraham'
) At ang olibong ligaw na isinanib ay ang Gentil. (Roma 11:13, 24)
T. Sino ang gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya? Tayo ba sa ating sarili?
S. Ang Panginoong Jesus ang gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya.
“Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios.” (Heb. 12:2 [show]Hebrews 12:2 looking to Jesus, the founder and perfecter of our faith, who for the joy that was set before him endured the cross, despising the shame, and is seated at the right hand of the throne of God. (ESV)
)
T. Bago dumating ang pananampalataya, nasa ilalim ng anong giya ang unang bayan ng Dios?
S. Nasa ilalim ng kautusan ng Dios na ibinigay kay Moises.
“Nguni’t bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos.” (Gal. 3:23 [show]Galatians 3:23 Now before faith came, we were held captive under the law, imprisoned until the coming faith would be revealed. (ESV)
)
T. Ano kung gayon, ang naging bahagi ng kautusan sa bayan ng Dios, nang bago mapasa ilalim ito ng Panginoong Jesus?
S. Tagapagturo hanggang maihatid kay Cristo.
“Ano pa’t ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo’y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.” (Gal. 3:24 [show]Galatians 3:24 So then, the law was our guardian until Christ came, in order that we might be justified by faith. (ESV)
)
T. Umiiral pa ba ang kautusan ni Moises sa ilalim ng pamamahala ng Panginoong Jesus?
S. Hindi na. Ang pananampalataya na ang umiiral.
“Datapuwa’t ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo.” (Gal. 3:25 [show]Galatians 3:25 But now that faith has come, we are no longer under a guardian, (ESV)
)
T. Ang ibig bang sabihin nito ay walang kautusan ang pananampalataya?
S. Mayroong kautusan ang pananampalataya.
“Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito’y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya. Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaringganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.” (Rom. 3:27- 28 [show]Romans 3:27-28 Then what becomes of our boasting? It is excluded. By what kind of law? By a law of works? No, but by the law of faith. For we hold that one is justified by faith apart from works of the law. (ESV)
)
Pansinin, na hiwalay sa mga gawa ng kautusan na ibinigay ni Moises ang tinutukoy dito; na ang kahalili ay ang kautusan ng pananampalataya.
T. Ano, kung gayon, ang gawa na nasa ilalim ng kautusan ng pananampalataya?
S. Gawa sa pamamagitan ng pag-ibig.
“Sapagka’t kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.” (Gal. 5:6 [show]Galatians 5:6 For in Christ Jesus neither circumcision nor uncircumcision counts for anything, but only faith working through love. (ESV)
)
T. Ano ang kasama ng pananampalataya na dapat manatili sa puso ng lingkod ng Dios?
S. Kasama ng pananampalataya ay ang pagasa at pagibig.
“Datapuwa’t ngayo’y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni’t ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.” (1 Cor. 13:13 [show]1 Corinthians 13:13 So now faith, hope, and love abide, these three; but the greatest of these is love. (ESV)
)
T. Paano ba pumapasok sa puso ng tao ang pananampalataya?
S. Sa pamamagitan ng pakikinig ng salita ni Cristo.
“Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.” (Rom. 10:17 [show]Romans 10:17 So faith comes from hearing, and hearing through the word of Christ. (ESV)
)
T. May isa lamang bang uri ng pananampalataya?
S. Maraming uri ng pananampalataya. (a) pananampalatayang gaya ng kay Abraham, (b) Pananampalatayang ginawa ng Panginoong Jesus, (k) Pananampalatayang gaya ng sa diablo.
- Pananampalatayang gaya ng kay Abraham.
“Gaya nga ni Abraham na sumampalataya sa Dios, at ito’y ibinilang sa kanya na katuwiran. Talastasin ninyo na ang mga sa pananampalataya, ang mga yaon ay mga anak ni Abraham. At sapagka’t ipinakita na nang una ang evangelio kay Abraham, na sinasabi sa iyo ay pagpapalain ang lahat ng mga bansa. Kaya’t ang mga sa pananampalataya ay pinagpapala kay Abraham na may pananampalataya..”
- Ang kay Abraham ay pananampalatayang sumusunod ayon sa salita ng Dios.
“Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo: At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran: At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa. Kaya’t yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon…” (Gen. 12:1-4 [show]Genesis 12:1-4 Now the LORD said(1) to Abram, "Go from your country and your kindred and your father's house to the land that I will show you. And I will make of you a great nation, and I will bless you and make your name great, so that you will be a blessing. I will bless those who bless you, and him who dishonors you I will curse, and in you all the families of the earth shall be blessed."(2) So Abram went, as the LORD had told him, and Lot went with him. Abram was seventy-five years old when he departed from Haran. (ESV) Footnotes 1. [12:1] Or 'had said' 2. [12:3] Or 'by you all the families of the earth shall bless themselves'
)
- Pananampalatayang may sakripisyo.
“At nangyari pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinubok ng Dios si Abraham, at sa kaniya’y sinabi, “Abraham.”
At sinabi niya, “Narito ako.”
“At kaniyang sinabi, “Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo…”
“At sila’y dumating sa dakong sa kaniya’y sinabi ng Dios; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy. At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak. At tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit, at sinabi.”
“Huwag mong buhatin ang iyong kamay sa bata, o gawan man siya ng anoman: sapagka’t talastas ko ngayon, na ikaw ay natatakot sa Dios, sa paraang hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak.” (Gen. 22:1-2, 9-12 [show]Genesis 22:1-2 After these things God tested Abraham and said to him, "Abraham!" And he said, "Here am I." He said, "Take your son, your only son Isaac, whom you love, and go to the land of Moriah, and offer him there as a burnt offering on one of the mountains of which I shall tell you." (ESV) Genesis 22:9-12 When they came to the place of which God had told him, Abraham built the altar there and laid the wood in order and bound Isaac his son and laid him on the altar, on top of the wood. Then Abraham reached out his hand and took the knife to slaughter his son. But the angel of the LORD called to him from heaven and said, "Abraham, Abraham!" And he said, "Here am I." He said, "Do not lay your hand on the boy or do anything to him, for now I know that you fear God, seeing you have not withheld your son, your only son, from me." (ESV)
)
- Pananampalatayang ginawa ng Panginoong Jesus.
“Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis
ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios. Sapagka’t dilidilihin ninyo yaong nagtiis ng gayong pagsalangsang ng mga makasalanan laban sa kaniyang sarili, upang kayo’y huwag magsihina, na manglupaypay sa inyong mga kaluluwa.” (Heb. 12:2-3 [show]Hebrews 12:2-3 looking to Jesus, the founder and perfecter of our faith, who for the joy that was set before him endured the cross, despising the shame, and is seated at the right hand of the throne of God. Consider him who endured from sinners such hostility against himself, so that you may not grow weary or fainthearted. (ESV))
- Nagmasunurin hanggang kamatayan.
“At palibhasa’y nasumpungan sa anyong tao, siya’y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.” (Phi. 2:8 [show]Philippians 2:8 And being found in human form, he humbled himself by becoming obedient to the point of death, even death on a cross. (ESV)
)
- Sa mga araw ng kanyang laman: siya’y dininig dahil sa banal na takot.
“Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya’y dininig dahil sa kaniyang banal na takot. Bagama’t siya’y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis.” (Heb. 5:7-8 [show]Hebrews 5:7-8 In the days of his flesh, Jesus(1) offered up prayers and supplications, with loud cries and tears, to him who was able to save him from death, and he was heard because of his reverence. Although he was a son, he learned obedience through what he suffered. (ESV) Footnotes 1. [5:7] Greek 'he'
)
- Pananampalatayang gaya ng sa diablo.
“Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig. Datapuwa’t ibig mo bagang maalaman, Oh taong walang kabuluhan, na ang pananampalataya na walang mga gawa ay baog?” (Jam. 2:19-20 [show]James 2:19-20 You believe that God is one; you do well. Even the demons believe--and shudder! Do you want to be shown, you foolish person, that faith apart from works is useless? (ESV)
)
T. Kailan sinasabi na ang pananampalataya ay patay?
S. Kung ang pananampalataya ay walang gawa.
“Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili.” (Jam. 2:17 [show]James 2:17 So also faith by itself, if it does not have works, is dead. (ESV)
)
T. Makapagliligtas ba ang pananampalatayang walang gawa?
S. Hindi makapagliligtas ang pananampalatayang walang gawa.
“Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya’y may pananampalataya, nguni’t walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?” (Jam. 2:14 [show]James 2:14 What good is it, my brothers, if someone says he has faith but does not have works? Can that faith save him? (ESV)
)
T. Pagkatapos tanggapin at sampalatayanan ang evangelio (mabuting balita ng kaligtasan), ano ang kasunod na dapat gawin upang maligtas?
S. Kinakailangang magbautismo sa tubig, gaya ng iniwang halimbawa ng Cristo.
-
- Hindi pumayag ang Panginoong Jesus na hindi siya bautismuhan sa tubig ni Juan Bautista.Datapuwa’t ibig siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi,“Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?”“Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.”
Nang magkagayo’y pinayagan niya siya.
“At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya.” (Mat. 3:14-16 [show]Matthew 3:14-16 John would have prevented him, saying, "I need to be baptized by you, and do you come to me?" But Jesus answered him, "Let it be so now, for thus it is fitting for us to fulfill all righteousness." Then he consented. And when Jesus was baptized, immediately he went up from the water, and behold, the heavens were opened to him,(1) and he saw the Spirit of God descending like a dove and coming to rest on him; (ESV) Footnotes 1. [3:16] Some manuscripts omit 'to him'
) - Utos ng Cristo na bautismuhan ang sumampalataya, upang maligtas.
- Hindi pumayag ang Panginoong Jesus na hindi siya bautismuhan sa tubig ni Juan Bautista.Datapuwa’t ibig siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi,“Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?”“Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.”
“At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.” (Mar. 16:15-16)
T. Sa pananampalataya, ano ang ginawa ni Noe nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na di nakikita?
S. Naghanda ng isang daong sa ikaliligtas. Samakatuwid ay gumawa ayon sa utos.
“Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan…” (Heb. 11:7 [show]Hebrews 11:7 By faith Noah, being warned by God concerning events as yet unseen, in reverent fear constructed an ark for the saving of his household. By this he condemned the world and became an heir of the righteousness that comes by faith. (ESV)
)
T. Sa pananampalataya, ano ang ginawa ni Moises upang magtamo ng di kumukupas na kaligayahan?
S. Isinakripisyo ang pagiging prinsipe sa Egipto alang-alang sa bayan ng Dios.
“Sa pananampalataya, nang lumaki na si Moises, ay tumangging siya’y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon; Na pinili pa ang siya’y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala; Na inaring malaking kayamanan ang kadustaan ni Cristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto: sapagka’t ang kaniyang tinititigan ay ang gantingpalang kabayaran.” (Heb. 11:24-26 [show]Hebrews 11:24-26 By faith Moses, when he was grown up, refused to be called the son of Pharaoh's daughter, choosing rather to be mistreated with the people of God than to enjoy the fleeting pleasures of sin. He considered the reproach of Christ greater wealth than the treasures of Egypt, for he was looking to the reward. (ESV)
)
T. Sa pananampalataya, ano ang nararapat nating gawin upang magmanang kasama ni Cristo?
S.
- Magtiis din naman alang-alang sa kanya.
“Sapagka’t sa inyo’y ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya.” (Phi. 1:29 [show]Philippians 1:29 For it has been granted to you that for the sake of Christ you should not only believe in him but also suffer for his sake, (ESV)
)
- Yamang naging anak tayo ng Dios.
“Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Dios: At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo’y lumuwalhati namang kasama niya.” (Rom. 8:16-17 [show]Romans 8:16-17 The Spirit himself bears witness with our spirit that we are children of God, and if children, then heirs--heirs of God and fellow heirs with Christ, provided we suffer with him in order that we may also be glorified with him. (ESV)
)
- Di katumbas ng pagtitiis ng kaluwalhatiang mahahayag.
“Sapagka’t napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito’y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.” (Rom. 8:18 [show]Romans 8:18 For I consider that the sufferings of this present time are not worth comparing with the glory that is to be revealed to us. (ESV)
)
Search
Gallery
Kontak
Central Chapel, Mangino, Gapan City
S.E.C. Registry No. 128766
Tel: +44 4866462
Email: coe@iglesiangdios.orgPledges and Donation
Name of Bank : Philippine National Bank Gapan Branch Tinio St., San Vicente Gapan City, Nueva Ecija Account Name: IGLESIA NG DIOS (NPB) KAY CRISTO JESUS Account Number : 165360100019 Swift Code : PNBMPHMM Routing Number : 0260-0300-7Mga Bagong Balita at Gawain
- Bautismo Sa Jose Abad Santos Ng Mga Kapatid Sa Lokal Ng Pasay
- Pagdalaw ng COE sa Isabela Area
- Kapatiran sa Lokal ng Nagpandayan at Tampac Guimba
- Pagtataas ng Tungkulin ng mga Manggagawa
- Pagtataas Ng Tungkulin At Pagpapakilala Ng Bagong Elder
- Ang Kapatiran sa Nagpandayan At Tampac
- Pagsamba sa Lokal ng Bulac, Sta. Maria, Bulacan
Ang Pagliligtas
- Paunang Salita
- Maigsing Kasaysayang ng Biblia
- “Saliksikin ninyo ang mga Kasulatan”
- Ang Cristo ang Sentro ng Kasulatan
- “Lalangin Natin ang Tao”
- Ang Magkakaibang mga Dios na mababasa sa Kasulatan
- Ang Anak ay Kasama na ng Ama Bago Nagkatawang-Tao
- Kung Sino ang Nakakakilala sa Ama at sa Anak
- Ang Espiritu Santo
- Ang Anghel
- Ang Diablo
- Ang Tao
- Ang Kamatayan
- Ang Pananampalataya
- Ang Iglesia
- Ang Hula at Katuparan ng Pagdating ng Iglesia ng Dios sa Pilipinas
- Ang Pamamahala ng Dios sa Kanyang Iglesia
- Ang Sangbahayan ng Dios
- Ang Hapunan ng Panginoon
- Ang Paghuhukom
- Ang Pagkabuhay na Maguli
- Ang Paghatol sa mga Masasama
- Ang Isang Bagong Langit at Isang Bagong Lupa
Who's Online
- 0 Members.
- 5 Guests.
