Ang Tao
T. Ano ang tao?
S. Nilalang ng Panginoong Dios mula sa alabok ng lupa.
“At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.” (Gen. 2:7 [show]Genesis 2:7 then the LORD God formed the man of dust from the ground and breathed into his nostrils the breath of life, and the man became a living creature. (ESV)
)
T. Ano ang mahahalagang sangkap ng tao ayon sa Banal na Kasulatan?
S. Espiritu, kaluluwa at katawan ang mahahalagang sangkap ng tao.
“At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.” (1 The. 5:23 [show]1 Thessalonians 5:23 Now may the God of peace himself sanctify you completely, and may your whole spirit and soul and body be kept blameless at the coming of our Lord Jesus Christ. (ESV)
)
T. Ilang tao ang nilalang ng Dios, na una na siyang pinagmulan ng sangkatauhan?
S. Isa lamang, si Adam.
“At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong niya.” (Gen. 2:18 [show]Genesis 2:18 Then the LORD God said, "It is not good that the man should be alone; I will make him a helper fit for(1) him." (ESV) Footnotes 1. [2:18] Or 'corresponding to'; also verse 20
)
T. Nang lalangin ng Dios ang katulong ng lalake, kumuha ba muli ng alabok at pinormang tao?
S. Hindi, kundi kinuha ang isa sa kanyang tadyang.
“At hinulugan ng Panginoong Dios ng di kawasang himbing ang lalake, at siya’y natulog: at kinuha ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa dakong yaon: At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito’y dinala niya sa lalake.” (Gen. 2:21-22 [show]Genesis 2:21-22 So the LORD God caused a deep sleep to fall upon the man, and while he slept took one of his ribs and closed up its place with flesh. And the rib that the LORD God had taken from the man he made(1) into a woman and brought her to the man. (ESV) Footnotes 1. [2:22] Hebrew 'built'
)
Pansinin na, isang ganap, at may sapat ng gulang nang lalangin ng Dios ang unang taong si Adam, samakatuwid ay hindi isinilang ng isang ina at hindi dumaan sa pagkasanggol. Gayon din ang babae, hindi nga lamang tuwirang kinuha ng Dios sa alabok, kundi sa tadyang ng lalake.
T. Paano naman nilalang ng Dios ang mga sumunod na mga tao na kumalat sa lupa?
S. Sa pamamagitan ng magasawa: lalake at babae: ipinanganak
“At sila’y binasbasan ng Dios, at sa kanila’y sinabi ng Dios, Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin …” (Gen. 1:28 [show]Genesis 1:28 And God blessed them. And God said to them, "Be fruitful and multiply and fill the earth and subdue it and have dominion over the fish of the sea and over the birds of the heavens and over every living thing that moves on the earth." (ESV)
)
Pansinin na, may tatlong paraan ng pisikal na paglalang na ipinahahayag ng ulat ng mga talata. Una, tuwirang galing sa alabok. Ikalawa’y mula sa tadyang ng lalake. At sa ikatlong paraan ay sa pamamagitan ng lalake at babae.
T. Wala bang kasama ang Dios nang lalangin niya ang tao?
S. May kasama ang Dios, ang kanyang kalarawan at kawangis.
“At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis …” (Gen. 1:26 [show]Genesis 1:26 Then God said, "Let us make man(1) in our image, after our likeness. And let them have dominion over the fish of the sea and over the birds of the heavens and over the livestock and over all the earth and over every creeping thing that creeps on the earth." (ESV) Footnotes 1. [1:26] The Hebrew word for 'man' ('adam') is the generic term for mankind and becomes the proper name 'Adam'
)
T. Itinangi ba ng Dios ang tao sa paglalang ng higit sa lahat ng kanyang nilalang sa ibabaw ng lupa?
S. Itinangi ng Dios ang pagkakalalang niya sa tao.
- Hindi nilalang ang tao sa pamamagitan lamang ng salita na gaya ng ibang nilalang sa ibabaw ng lupa.
- Nilalang ang tao sa larawan at wangis ng Dios.
- Tuwirang hiningahan ng Dios ang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay.
- May ginawang paraiso, ang halamanan ng Eden, at doon inilagay ng Dios ang tao. (Gen. 2:8 [show]Genesis 2:8
And the LORD God planted a garden in Eden, in the east, and there he put the man whom he had formed. (ESV)
) - May inilaang buhay na walang hanggan na nasa punong kahoy ng buhay na naroon sa Eden. (Tal. 9)
T. Ano ang layon ng Dios sa kanyang paglalang sa tao?
S. Sumamba at sundin ang utos ng lumalang.
“Oh magsiparito kayo, tayo’y magsisamba at magsiyukod; tayo’y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.” (Psa. 95:6 [show]Psalm 95:6 Oh come, let us worship and bow down; let us kneel before the LORD, our Maker!
)
“Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka’t ito ang buong katungkulan ng tao.” (Ecc. 12:13 [show]Ecclesiastes 12:13 The end of the matter; all has been heard. Fear God and keep his commandments, for this is the whole duty of man.(1) (ESV) Footnotes 1. [12:13] Or 'the duty of all mankind'
)
T. Ano ang unang utos na ibinigay ng Dios sa nilalang niyang tao?
S. Huwag kakain sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.
“At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.” (Gen. 2:16-17 [show]Genesis 2:16-17 And the LORD God commanded the man, saying, "You may surely eat of every tree of the garden, but of the tree of the knowledge of good and evil you shall not eat, for in the day that you eat(1) of it you shall surely die." (ESV) Footnotes 1. [2:17] Or 'when you eat'
)
T. Nasunod ba ng tao ang unang utos na ito ng Dios?
S. Hindi nasunod ng tao.
“At kay Adam ay sinabi, Sapagka’t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi,Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.” (Gen. 3:17 [show]Genesis 3:17 And to Adam he said, "Because you have listened to the voice of your wife and have eaten of the tree of which I commanded you, 'You shall not eat of it,' cursed is the ground because of you; in pain you shall eat of it all the days of your life;
)
T. Ano ang naging bunga sa lahi ng tao nang di pagsunod sa utos ng Dios ng ama ng sangkatauhan na si Adan?
S. Pumasok ang kasalanan sa sanglibutan na naging sanhi ng kamatayan.
“Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala.” (Rom. 5:12 [show]Romans 5:12 Therefore, just as sin came into the world through one man, and death through sin, and so death spread to all men because all sinned-- (ESV)
)
T. Ano ang kamatayan na bunga ng kasalanan ng ama ng sangkatauhan?
S. Kamatayan na ang labi ay inililibing sa libingan.
“…Pagka ako’y namatay, ilibing nga ninyo ako sa libingan na pinaglibingan sa lalake ng Dios: ilagay ninyo ang aking mga buto sa siping ng kaniyang mga buto.” (1 Kin. 13:31 [show]1 Kings 13:31 And after he had buried him, he said to his sons, "When I die, bury me in the grave in which the man of God is buried; lay my bones beside his bones. (ESV)
)
T. Ang tao ba ay nilalang ng Dios sa kasalukuyan niyang estado na makasalanan?
S. Hindi, kundi ginawang matuwid ng Dios ang tao.
“Narito, ito lamang ang aking nasumpungan, na ginawang matuwid ng Dios ang tao; nguni’t nagsihanap sila ng maraming katha.” (Ecc. 7:29 [show]Ecclesiastes 7:29 See, this alone I found, that God made man upright, but they have sought out many schemes. (ESV)
)
T. Naging kalugod-lugod ba sa Dios ang pagsunod ng tao sa katha o sali’t saling sabi?
S. Hindi nalulugod.
“Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.” (Mat. 15:8-9 [show]Matthew 15:8-9 "'This people honors me with their lips, but their heart is far from me; in vain do they worship me, teaching as doctrines the commandments of men.'"
)
T. Kung ang kamatayan na inililibing sa sementeryo ay bunga ng kasalanan ni Adan na tinaglay ng kanyang lahing tao, ano naman ang nagiging bunga ng personal na kasalanan ng tao sa Dios?
S.
“Nguni’t sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.” (Rev. 21:8 [show]Revelation 21:8 But as for the cowardly, the faithless, the detestable, as for murderers, the sexually immoral, sorcerers, idolaters, and all liars, their portion will be in the lake that burns with fire and sulfur, which is the second death." (ESV)
)
T. Paano maka-aalpas ang tao sa tanikala ng kasalanan, upang sa gayon ay makamit ang buhay na walang hanggan na inihanda na noong una ng Dios sa Eden?
S. Dinggin ang salita ng Panginoong Jesus at sumampalataya sa nagsugo sa kanya.
“Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.” (Jn. 5:24 [show]John 5:24 Truly, truly, I say to you, whoever hears my word and believes him who sent me has eternal life. He does not come into judgment, but has passed from death to life. (ESV)
)
Ang Tatlong Sangkap ng Tao
T. Ano na ang ating nalaman tungkol sa mga sangkap ng tao ayon sa Biblia?
S. Ating nang nalaman na may tatlong mahahalagang sangkap ang tao. Ang mga ito ay ang katawan, kaluluwa at espiritu. Ang katawan ay ang anyo o pormang pisikal. Ang kaluluwa ay ang kabuuan ng kamalayan, damdamin at pagiisip. At ang Espiritu naman ay ang hinga ng buhay na buhat sa Dios. Mula sa Banal na Kasulatan ay mauunawaan natin ang katotohanan ayon sa layon ng Dios sa kanyang paglalang sa tao na pinagkalooban niya ng tatlong mahahalagang sangkap upang maisakatuparan ng tao ang dahilan ng pagkalalang sa kanya.
T. Ano ang katawan ng tao?
S. Ang pisikal na anyo na galing sa alabok.
“At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.” (Gen. 2:7 [show]Genesis 2:7 then the LORD God formed the man of dust from the ground and breathed into his nostrils the breath of life, and the man became a living creature. (ESV)
)
Pansinin na, ang katawan o anyo ng tao ay galing sa alabok, na ipinorma ayon sa larawan at wangis ng Dios (Gen. 1:26 [show]Genesis 1:26
Then God said, "Let us make man(1) in our image, after our likeness. And let them have dominion over the fish of the sea and over the birds of the heavens and over the livestock and over all the earth and over every creeping thing that creeps on the earth." (ESV)
Footnotes
1. [1:26] The Hebrew word for 'man' ('adam') is the generic term for mankind and becomes the proper name 'Adam'
). Ang katawan ay siyang pisikal na sangkap ng tao, na siyang nakikitang kumikilos at gumagawa ng mga bagay.
T. Ano naman ang kaluluwa?
S. Ang kaluluwa ay ang sangkap na nilalang ng Dios na kasama ng katawan na mula sa alabok, na nang hingahan ng Dios ang tao sa butas ng ilong ay nagkaroon ng buhay na kasama ng katawan.
“At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.” (Gen. 2:7 [show]Genesis 2:7 then the LORD God formed the man of dust from the ground and breathed into his nostrils the breath of life, and the man became a living creature. (ESV)
)
T. Ano ang espiritu na isa sa tatlong mahahalagang sangkap ng tao?
S. Ang espiritu ng tao ay ang hininga ng buhay na inihinga ng Dios sa butas ng ilong na siyang pinagmumulan ng puwersa upang ang kaluluwa at katawan ay kumilos at magkaroon ng malay at pagkatao. (Gen. 2:7 [show]Genesis 2:7
then the LORD God formed the man of dust from the ground and breathed into his nostrils the breath of life, and the man became a living creature. (ESV)
)
“Sapagka’t kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.” (Jam. 2:26 [show]James 2:26 For as the body apart from the spirit is dead, so also faith apart from works is dead. (ESV)
)
T. Sino ang nagpapangyari na ang mga tao ay kumalat sa buong lupa at nagpapanatili na ang tatlong sangkap ng bawat tao ay magkakasamang buo, nabubuhay, nagsisikilos at may pagkatao?
S. Ang Dios na gumawa ng langit at lupa.
“Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa’y Panginoon ng langit at ng lupa … Sapagka’t sa kaniya tayo’y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao…” (Act. 17:24, 28 [show]Acts 17:24 The God who made the world and everything in it, being Lord of heaven and earth, does not live in temples made by man,(1) (ESV) Acts 17:28 for "'In him we live and move and have our being';(2) as even some of your own poets have said, "'For we are indeed his offspring.'(3) Footnotes 1. [17:24] Greek 'made by hands' 2. [17:28] Probably from Epimenides of Crete 3. [17:28] From Aratus's poem "Phainomena"
)
T. Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, (Roma 6:23), at ang bawat tao ay nagbabayad sa kasalanan ng pinagmulan ng lahing tao na si Adan (Roma 5:12). Kung mamatay ang tao, saan ba nangapupunta ang tatlong sangkap niya?
S.
- Ang katawan ay sa alabok.
“Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.” (Gen. 3:19 [show]Genesis 3:19 By the sweat of your face you shall eat bread, till you return to the ground, for out of it you were taken; for you are dust, and to dust you shall return."
) - Ang kaluluwa ay kasama ng katawan sa alabok.
“Sapagka’t ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.” (Psa. 44:25 [show]Psalm 44:25 For our soul is bowed down to the dust; our belly clings to the ground.
) - Espiritu o hinga na sa ibang banggit ay ‘diwa’ ay mababalik sa Dios. “At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya.” (Ecc. 12:7 [show]Ecclesiastes 12:7
and the dust returns to the earth as it was, and the spirit returns to God who gave it. (ESV)
)
Liwanag: – Ang aklat ng Panginoon ang nagpapahayag kung saan nangapupunta ang mga sangkap ng tao pagkamatay niya. Hindi hinaka, na ang katawan ay mauuwi sa alabok ng lupa. Ang kaluluwa ay nakasubsob sa alabok (katawan), samantalang ang katawan ay nakadikit sa lupa. Ang hininga, na siyang espiritu o diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa tao. Ang kaluluwa ng tao ay hindi walang hanggan, na pagkamatay ng tao ay humihiwalay na waring may sariling buhay. Ang Kasulatan ang nagsasabi na may isang buhay lamang ang tao na bumubuhay sa katawan at sa kaluluwa. Walang bukod na buhay ang kaluluwa. Kaya’t pagkamatay ng tao ang isang buhay na ito ay bumabalik sa Dios na nagbigay nito. Naiiwan ang katawan at kaluluwa sa lupa, sa
libingan. Ang kawalang kamatayan ng kaluluwa ay isang pilosopiyang pagano. Katha ng tao, na naglalayo sa katotohanan ng Dios. Isang bigong pagtatangka na hanapin ang katotohanan tungkol sa tunay na kalagayan ng tao, sapagka’t ang katotohanan ay sinasabi ng Kasulatan, na:
“Siya lamang ang walang kamatayan.” (1 Tim. 6:16 [show]1 Timothy 6:16 who alone has immortality, who dwells in unapproachable light, whom no one has ever seen or can see. To him be honor and eternal dominion. Amen. (ESV)
)
Ang tinutukoy ay ang Amang Dios na Makapangyarihan sa lahat. At kung mayroon mang iba na walang kamatayan ay ipinagkakaloob niya ito. At ang kaluluwa ng tao ay hindi niya pinagkalooban ng kawalang hanggan. Manapa’y kasabay ng katawan na namatay.
Search
Gallery
Kontak
Central Chapel, Mangino, Gapan City
S.E.C. Registry No. 128766
Tel: +44 4866462
Email: coe@iglesiangdios.orgPledges and Donation
Name of Bank : Philippine National Bank Gapan Branch Tinio St., San Vicente Gapan City, Nueva Ecija Account Name: IGLESIA NG DIOS (NPB) KAY CRISTO JESUS Account Number : 165360100019 Swift Code : PNBMPHMM Routing Number : 0260-0300-7Mga Bagong Balita at Gawain
- Bautismo Sa Jose Abad Santos Ng Mga Kapatid Sa Lokal Ng Pasay
- Pagdalaw ng COE sa Isabela Area
- Kapatiran sa Lokal ng Nagpandayan at Tampac Guimba
- Pagtataas ng Tungkulin ng mga Manggagawa
- Pagtataas Ng Tungkulin At Pagpapakilala Ng Bagong Elder
- Ang Kapatiran sa Nagpandayan At Tampac
- Pagsamba sa Lokal ng Bulac, Sta. Maria, Bulacan
Ang Pagliligtas
- Paunang Salita
- Maigsing Kasaysayang ng Biblia
- “Saliksikin ninyo ang mga Kasulatan”
- Ang Cristo ang Sentro ng Kasulatan
- “Lalangin Natin ang Tao”
- Ang Magkakaibang mga Dios na mababasa sa Kasulatan
- Ang Anak ay Kasama na ng Ama Bago Nagkatawang-Tao
- Kung Sino ang Nakakakilala sa Ama at sa Anak
- Ang Espiritu Santo
- Ang Anghel
- Ang Diablo
- Ang Tao
- Ang Kamatayan
- Ang Pananampalataya
- Ang Iglesia
- Ang Hula at Katuparan ng Pagdating ng Iglesia ng Dios sa Pilipinas
- Ang Pamamahala ng Dios sa Kanyang Iglesia
- Ang Sangbahayan ng Dios
- Ang Hapunan ng Panginoon
- Ang Paghuhukom
- Ang Pagkabuhay na Maguli
- Ang Paghatol sa mga Masasama
- Ang Isang Bagong Langit at Isang Bagong Lupa
Who's Online
- 0 Members.
- 6 Guests.
