Maigsing Kasaysayang ng Biblia
Ang Salita ng Dios
Ang Biblia ay ang aklat na sa pamamagitan nito ay ipinahayag ng Dios ang kanyang kalooban sa tao, at sa pamamagitan nito ay inilahad sa sangkatauhan ang mga daan ng buhay at kamatayan.
Ang Biblia ay sing-ganap ng lahat ng pinapaging gayon ng Dios, at sa makatuwid ay walang kamalian. Ito’y nagtataglay sa kanyang sarili ng patotoo ng kanyang pag-aangkin ng pagka-makalangit, na hindi matitinag ng pinakamatinding ulos ng mga di sumasampalataya (infidel).
Ang Biblia ay naglalaman ng anim-napu’t anim na mga aklat o pampleta na pinagsamasama sa isang aklat. Ang salitang Biblia ay kinuha sa salitang Griego na “ta Biblia” na nangangahulugang ang aklat, o ang aklat ng mga aklat. Ito ang sinasabi na “Ang Aklat,” sapagka’t pinakamataas ang uri sa lahat ng mga aklat. Ngunit ang paggamit ng salitang Biblia sa anim na pu’t anim na aklat, ay mababakas sa nakaraang limang daang taon ng ating kasalukuyang panahon, ang salitang eskritura, bago pa sa panahong ito, ay inaaplika sa mga ito na maingat na naipreserbang mga Banal na Kasulatan.
Ang Mga Sumulat ng Biblia
May di kukulangin sa tatlumpo’t anim na nagkakaibang manunulat, na nagsisulat sa tatlong kontinente at mga bansa, sa haba ng panahong labing limang daang taon. Sa mga sumulat na ito ay nangasa bawat kalagayan ng pamumuhay, na dahil dito’y tumatalakay sa lahat ng karanasan ng tao.. Ito ay sinulat sa dalawang wika, Hebreo at Griego, maliban na ilang talata ng Matandang Testamento na isinulat sa Caldeo. Ang mga ito ay ang Ezra 5:8 [show]Ezra 5:8
Be it known to the king that we went to the province of Judah, to the house of the great God. It is being built with huge stones, and timber is laid in the walls. This work goes on diligently and prospers in their hands. (ESV)
; 6:12; 7:12-26, at talatang 28, isang talata sa Jeremias 10 at ang nalalabi sa Matandang Testamento ay sinulat sa Hebreo.
Mga Matandang Kasulatan
Sa kasalukuyang panahon, lahat ng matatandang kasulatan ng orihinal na mga dokumento, ng Matandang Testamento (Matandang Tipan) na ngayon ay umiiral ay nangakatala sa nilutong putik na sulatan na nakalagak sa museum ng antikidad. Nang ikalabing-siyam at ika – dalawampung daang taon, maraming nakamamanghang tuklas na nahukay na siyang nagpapatibay sa kasaysayan ng Biblia na naisagawa. Ang putik na sulatan ay natuklasan sa iba’t ibang panahon na ang kapansin-pansing pinakamahalaga ay ang nahukay noong 1845 mula sa matagal nang pagkakabaon sa mga guho ng matandang lunsod ng Nineveh, na kung saan minsan ay pinakamalaking aklatan sa daigdig.
Sa mga matandang kasulatan ng Bagong Testamentong (Bagong Tipan) Griego na sa kasalukuyan ay umiiral na sa kalagayang mabuti ang pagkapapanatili. Isa sa mga ito ay nasumpungan sa Alejandria, Ehipto noon pang 1628. Ito ay kinopya mula sa unang manuskrito, sa petsang A.D. 350, na ngayong ay nasa British Museum. Ang isang ito tulad ng mga natuklasan sa iba’t ibang agwat ng panahon, ay nakagugulat na nagkakaisa at sumasangayon sa lahat ng iba pang manuskrito na ngayon ay umiiral, na ipinakikita kung paanong ang Dios sa kanyang walang hanggang karunungan at sa mahiwagang paraan ay nagbabantay at pinanatili ang Kanyang paghahayag sa sangkatauhan.
Orihinal na mga Sulat at mga Salin
Ang Matandang Tipan ay unang isinulat sa wikang Hebreo sa mahabang balumbon ng papyrus (papel), na pagkatapos ay isinalin sa mga ibang wika. Ang Septuahino ay ang pinakamatandang bersiyon (salin), na nangangahulugan sa kanyang pangalan na sinalin “ng pitumpo.”. Ito ay binubuo mula sa orihinal na mga rekord sa Alehandria para sa aklatang Alehandria, ng magkakasamang pitumpong maalam ng mga Judio, sirka 285 B.C. ang utos sa pagsasalin na ito ay ayon sa mapagtitiwalaang patotoo na ibinigay ni Alehandrong Dakila, kasunod ng kanyang pagdalaw sa Jerusalem 332 B.C., na sa panahong yaon siya ay naging pamilyar na sa propesiya ni Daniel 8:21 [show]Daniel 8:21
And the goat(1) is the king of Greece. And the great horn between his eyes is the first king. (ESV)
Footnotes
1. [8:21] Or 'the shaggy goat'
, na nauukol sa kanyang sarili, tungkol sa kanyang karera at kapalaran, na lubhang tiyak na naganap sa kanyang buhay, kamatayan at paghahati ng kanyang kaharian pagkamatay niya. Ito ay binabanggit ni Josephus sa kanyang aklat 11, kabanatang 8.
Ang Biblia sa Matandang Panahon
Bago ang sining ng imprenta ay natuklasan bilang natural na bunga, ang mga eskritura (kasulatan) ay lubhang napakamahal, dahil sa limitadong sirkulasyon, ngunit kakaunting mga tao ay nagkaroon ng pagkakataon na basahin ang mga iyon para sa kanilang sarili, at kung gayon, ay maliit lamang ang kanilang nalaman sa mga nilalaman. Dahil dito, ang kanilang liwanag at nakapagliligtas na katotohanan ay hindi hayag at ang kamalian at kadiliman ng mga paniniwala sa pamahiin ng mapangaraping isip ng tao ay laganap sa daigdig.
Nangangailangan ng maraming pagsusumikap at mahabang nakapapagod na mga oras ng pagsulat upang maisalin ang bagong mga sipi ng mga kasulatan; ngunit sa pamamagitan ng paggamit ng daang-daang taga kopiya, libo-libo ng malalaking boliyum ng banal na aklat, sa wakas ay nakopiya at ipinagbili sa mataas na halaga.
*Elder A.N. Dugger.
Search
Gallery
Kontak
Central Chapel, Mangino, Gapan City
S.E.C. Registry No. 128766
Tel: +44 4866462
Email: coe@iglesiangdios.orgPledges and Donation
Name of Bank : Philippine National Bank Gapan Branch Tinio St., San Vicente Gapan City, Nueva Ecija Account Name: IGLESIA NG DIOS (NPB) KAY CRISTO JESUS Account Number : 165360100019 Swift Code : PNBMPHMM Routing Number : 0260-0300-7Mga Bagong Balita at Gawain
- Bautismo Sa Jose Abad Santos Ng Mga Kapatid Sa Lokal Ng Pasay
- Pagdalaw ng COE sa Isabela Area
- Kapatiran sa Lokal ng Nagpandayan at Tampac Guimba
- Pagtataas ng Tungkulin ng mga Manggagawa
- Pagtataas Ng Tungkulin At Pagpapakilala Ng Bagong Elder
- Ang Kapatiran sa Nagpandayan At Tampac
- Pagsamba sa Lokal ng Bulac, Sta. Maria, Bulacan
Ang Pagliligtas
- Paunang Salita
- Maigsing Kasaysayang ng Biblia
- “Saliksikin ninyo ang mga Kasulatan”
- Ang Cristo ang Sentro ng Kasulatan
- “Lalangin Natin ang Tao”
- Ang Magkakaibang mga Dios na mababasa sa Kasulatan
- Ang Anak ay Kasama na ng Ama Bago Nagkatawang-Tao
- Kung Sino ang Nakakakilala sa Ama at sa Anak
- Ang Espiritu Santo
- Ang Anghel
- Ang Diablo
- Ang Tao
- Ang Kamatayan
- Ang Pananampalataya
- Ang Iglesia
- Ang Hula at Katuparan ng Pagdating ng Iglesia ng Dios sa Pilipinas
- Ang Pamamahala ng Dios sa Kanyang Iglesia
- Ang Sangbahayan ng Dios
- Ang Hapunan ng Panginoon
- Ang Paghuhukom
- Ang Pagkabuhay na Maguli
- Ang Paghatol sa mga Masasama
- Ang Isang Bagong Langit at Isang Bagong Lupa
Who's Online
- 0 Members.
- 5 Guests.
