Paunang Salita
Kung hindi iuunat ang kanyang makapangyarihang kamay upang sagipin ang planetang daigdig, ay tiyak na patuloy ang pagbulusok nito sa walang hanggang pagkapahamak. Kundi sa pag-ibig ng Dios sa mga tao na kanyang nilalang ay walang isa mang magtatamo ng kaligtasan. Ang mga nangyayaring kapahamakan ng mga tao ay bunga ng kasalanan. Ito ang lasong mabagsik na unti-unting kumakalat; parang bahang lumalagom sa buong sangkatauhan; na kung hindi sa kahabagan ng Dios, ay wala isa man na makahaharap sa kanya upang magtamo ng buhay na walang hanggan sa inihanda niyang kaharian.
Ngunit mahal ng Dios ang kanyang mga nilalang na tao, na pasahero ng planetang daigdig na ito.
“Siya ang may ibig na ang lahat ng mga tao’y mangaligtas, at manga kaalam ng katotohanan.” (1 Tim. 2:4 [show]1 Timothy 2:4
who desires all people to be saved and to come to the knowledge of the truth. (ESV)
)
Tunay na ang Dios ang may nais na maalaman ng lahat ng tao ang katotohanang mula sa kanya, sapagka’t sa ganitong paraan lamang makakamit ng tao ang “Kalayaan” mula sa gumagapos na katha at sali’t saling sabi ng mga tao, na waring kangrenang kumakalat at lumalason sa kaisipan ng sangkatauhan.
Minsan ay sinabi ng Panginoong Jesus sa mga Judiong nagsisampalataya sa kanya:
“ Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko; At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo.” (Jn. 8:31-32 [show]John 8:31-32
So Jesus said to the Jews who had believed in him, "If you abide in my word, you are truly my disciples, and you will know the truth, and the truth will set you free." (ESV)
)
Ang mga Banal na Kasulatan, na kilala sa tawag na Biblia, ay isang aklat ng Panginoong Dios na Makapangyarihang lahat, ang siyang nagbabalita ng Kanyang Pagliligtas. Mula sa aklat ng Genesis, na siyang unang aklat ng Biblia, hanggang sa ika-anim na pu’t anim na aklat: ang Apocalipsis, ay nagpapahayag ng pag-ibig, pagpapahinuhod at pagliligtas ng Dios sa tao, sa kabila nang patuloy na pagkikibit balikat lamang ng marami sa ganitong kadakilang pagmamahal ng Lumalang.
Sa panapanahon ng kasysayan ng tao ay nandoo’t makikita ang bakas ng mga pagpapala ng Makapangyarihang kamay ng Dios. Sa paglayo ng tao sa Kanya, nariyan pa rin siya at umaalalay upang makabalik sa Kanya. Sa mga oras at araw na makita niya na kailangan ng pagliligtas niya ang mga nangagbalik-loob sa kanya ay nandoon siya’t gumagawa ng pagliligtas. Nagsugo siya ng anghel kay Moises upang iligtas ang kanyang bayan sa pagkaalipin mula sa Egipto. Sa pamamagitan ng anghel ay iniligtas ng Dios si Daniel sa bibig ng Leon, at sa hurno ng apoy ng kamatayan, na kasama ang dalawa pa niyang kapuwa lingkod ng Dios.
Sa panapanahon ay nagsusugo ng kanyang propeta ang Dios upang maghudyat ng kanyang kalooban sa kanyang bayan. At sa huling panahong ito (Ano Domini: A.D.) ay isinugo ng Amang Dios ang kanyang Bugtong na Anak, upang siyang maging Tagapagsalita at Tagapagligtas ng sanglibutan: ng lahat ng sa kanya ay sasampalataya at tatalima sa kanyang mga aral, na siyang evangelio ng kaligtasan. Ito ang nasasaad sa sulat sa mga Hebreo na bayan ng Dios:
“ Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya’y ginawa ang sanglibutan.” (Heb. 1:1-2 [show]Hebrews 1:1-2
Long ago, at many times and in many ways, God spoke to our fathers by the prophets, but in these last days he has spoken to us by his Son, whom he appointed the heir of all things, through whom also he created the world. (ESV)
)
Ang pagliligtas ng Dios, kung gayon, ay laging iniaagapay sa bawat yugto ng kasaysayan ng tao. Sa ikatlong pangkat pa lamang ng panimulang aklat ng Biblia (Genesis) ay binabanggit sa ikalabing limang talata ang pangakong “binhi” ng babae, na siyang dudurog sa ulo ng “ahas” na siyang dumaya kay Eva. Sa pamamagitan ng binhing yaon ay magaganap ang pagliligtas ng Dios sa mga taong nagsisiibig at sumasampalataya sa kanya (Judas 25).
Ang binhing yaon, na siya ring ipinangako kay Abraham, ay walang iba kundi ang Cristo, na isinugo ng Amang Dios sa huling araw, upang maging Tagapagligtas ng sanglibutan (Gal. 3:16 [show]Galatians 3:16
Now the promises were made to Abraham and to his offspring. It does not say, "And to offsprings," referring to many, but referring to one, "And to your offspring," who is Christ. (ESV)
; I Jn. 4:14 [show]1 John 4:14
And we have seen and testify that the Father has sent his Son to be the Savior of the world. (ESV)
). Ang binhi sa Genesis ay siya ring binhi ng Apocalipsis, na ang pangalan ay “Ang Verbo ng Dios” (Rev. 19:13 [show]Revelation 19:13
He is clothed in a robe dipped in(1) blood, and the name by which he is called is The Word of God. (ESV)
Footnotes
1. [19:13] Some manuscripts 'sprinkled with'
). Siya ang nangaral ng mabuting balita na siyang evangelio ng kaligtasan. Siya ay namatay upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, ang sinomang sa kanya’y tumanggap bilang Sugo ng Amang Dios sa huling araw, sumampaltaya at magbautismo upang magtamo ng kaligtasan. Siya ang binuhay ng Dios sa ikatlong araw at umakyat sa kanan ng Dios upang maging Pangulo ng lahat ng mga bagay sa Iglesia ng Dios. Sa araw na itinakda ng Amang Dios, siya rin ang muling paririto upang kunin ang lahat ng mga3e nangaglilingkod ng tapat sa kanya hanggang kamatayan, gaya ng kanyang pangako:
“Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka’t ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.” (Jn. 14:1-3 [show]John 14:1-3
"Let not your hearts be troubled. Believe in God;(1) believe also in me. In my Father's house are many rooms. If it were not so, would I have told you that I go to prepare a place for you?(2) And if I go and prepare a place for you, I will come again and will take you to myself, that where I am you may be also. (ESV)
Footnotes
1. [14:1] Or 'You believe in God'
2. [14:2] Or 'In my Father's house are many rooms; if it were not so, I would have told you; for I go to prepare a place for you'
)
Ang buong anim na pu’t anim na aklat ng Biblia ay iisa ang nilalayong ipahayag, ang pagliligtas ng Dios. Ang banal at dakilang layong ito ang umakay, sa naghanda ng munting aklat na ito na ikapit ang titulong ANG PAGLILIGTAS.
Ang tutunghang munting aklat na ito ay inihanda upang kahit paano ay makatulong, sa babasa nito na lumapit sa Dios bilang pagtugon sa kanyang banal na pagtawag. Ang katanungang makakaulayaw ninyo ay pagsasaliksik, na ang sasagot ay mga talata ng Biblia. Hindi katha o pilosopia ang mga sagot kundi tuwirang mga salita na kinasihan ng Maykapal upang magbigay liwanag sa kaisipan ng naghahanap ng katotohanang mula sa langit. Ang liwanag ng mga talata ang siyang hahawi sa madilim na haka, katha o kurong matagal nang namamayani sa kaisipan. Tanging ang salita ng Dios ang siyang makapuputol sa mga maling haka ng tao sapagkat:
“Sapagka’t ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.” (Heb. 4:12 [show]Hebrews 4:12
For the word of God is living and active, sharper than any two-edged sword, piercing to the division of soul and of spirit, of joints and of marrow, and discerning the thoughts and intentions of the heart. (ESV)
)
Sa mga kasambahay sa sangbahayan ng Dios, na siyang Iglesia ng Dios, ang aklat na ito’y magsisilbing sulong patuloy na tatanglaw sa daan ng buhay na kanyang tinatahak patungo sa kaharian ng Dios. Ang makalangit na biyaya ang tatamuhin ng bawat may makumbabang pusong bumabasa ng aklat na ito, sapagka’t binubuo ng mga katanungan, na ang mga kasagutan ay ang mga salitang mula sa aklat ng Panginoon, ang Biblia.
Sana ay maging isang mabuting kasama ang aklat na ito sa mga sandali ng pagdidilidili. Sana ang mga tanong at sagot na nilalaman nito, ay maging giya upang makilala ang Dios at tanggapin ang kanynag Anak na si Cristo Jesus. Sana ay sampalatayahan at talimahin ang kanyang mga salitang ibinigay ng Amang nagsugo sa kanya. Sa pamamagitan ng pagbasang may pananampalataya sa Dios, na nagpaging posible sa aklat na ito na mapasa kamay ninyo na naghahangad ng dakilang pagliligtas, ay magtatamo kayo ng unawa at karunungang nagbubuhat sa itaas.
Basahin sana ang aklat na ito na may lakip na panalangin at paghingi ng karunungan sa kanya na nasa kalangitan, upang lubos na maunawaan ang kanyang kalooban, at masunod ito sa pangalan ng kanyang Anak na si Cristo Jesus, Sapagka’t sinasabi sa Kasulatan: “Nguni’t kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito’y ibibigay sa kaniya.” (Jam. 1:5 [show]James 1:5
If any of you lacks wisdom, let him ask God, who gives generously to all without reproach, and it will be given him. (ESV)
)
Ang aklat na ito ay naglalaman ng pinagaang pagtuturo ng Biblia ng mga paksang aakay sa kaligtasan. Madaling unawain at malinaw ang pagtalakay. Ang mahigpit na pagsunod sa nilalayon ng Biblia ang sinikap na maipaabot ng buong aklat.
Maraming mga tao ang nawalan ng interest na bumasa ng Biblia, at bibihirang basahin ito, sapagka’t sinasabi nila na lubhang mahirap daw maunawaan, ngunit ang aklat na ito ay nagaabot ng susi at tanglaw upang alisin, ang mga kahadlangan at binabayaang ang bumabasa na maabot ang pahayag na nais ibigay ng Dios, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, na siyang kapangyarihan ng Dios, upang dalhan sila ng maraming pagpapalang mula sa itaas, na maghahatid sa buhay na walang hanggan.
Ang aklat na ito ay magpapatighaw sa uhaw na kaluluwa, sa pamamagitan ng pagtanggap ng tubig ng pagkaunawa sa katotohanan ng Dios. Ang salita ng Dios ang sentro ng lahat ng mga pagtalakay sa bawat paksa na sinasaliksik, upang maabot ang katotohanan. Ang salita ng Dios ay siyang dalisay na tubig ng katotohanan na siyang nagpapabanal sa tao sapgka’t sinasabi ng Panginoong Jesus:
“Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan.” (Jn. 17:17 [show]John 17:17
Sanctify them(1) in the truth; your word is truth. (ESV)
Footnotes
1. [17:17] Greek 'Set them apart' (for holy service to God)
)
Inihanda Ni:
Elder Victorino G. Angeles Sr.
Pinagtibay ng
Kapulungan ng Matatanda
Search
Gallery
Kontak
Central Chapel, Mangino, Gapan City
S.E.C. Registry No. 128766
Tel: +44 4866462
Email: coe@iglesiangdios.orgPledges and Donation
Name of Bank : Philippine National Bank Gapan Branch Tinio St., San Vicente Gapan City, Nueva Ecija Account Name: IGLESIA NG DIOS (NPB) KAY CRISTO JESUS Account Number : 165360100019 Swift Code : PNBMPHMM Routing Number : 0260-0300-7Mga Bagong Balita at Gawain
- Bautismo Sa Jose Abad Santos Ng Mga Kapatid Sa Lokal Ng Pasay
- Pagdalaw ng COE sa Isabela Area
- Kapatiran sa Lokal ng Nagpandayan at Tampac Guimba
- Pagtataas ng Tungkulin ng mga Manggagawa
- Pagtataas Ng Tungkulin At Pagpapakilala Ng Bagong Elder
- Ang Kapatiran sa Nagpandayan At Tampac
- Pagsamba sa Lokal ng Bulac, Sta. Maria, Bulacan
Ang Pagliligtas
- Paunang Salita
- Maigsing Kasaysayang ng Biblia
- “Saliksikin ninyo ang mga Kasulatan”
- Ang Cristo ang Sentro ng Kasulatan
- “Lalangin Natin ang Tao”
- Ang Magkakaibang mga Dios na mababasa sa Kasulatan
- Ang Anak ay Kasama na ng Ama Bago Nagkatawang-Tao
- Kung Sino ang Nakakakilala sa Ama at sa Anak
- Ang Espiritu Santo
- Ang Anghel
- Ang Diablo
- Ang Tao
- Ang Kamatayan
- Ang Pananampalataya
- Ang Iglesia
- Ang Hula at Katuparan ng Pagdating ng Iglesia ng Dios sa Pilipinas
- Ang Pamamahala ng Dios sa Kanyang Iglesia
- Ang Sangbahayan ng Dios
- Ang Hapunan ng Panginoon
- Ang Paghuhukom
- Ang Pagkabuhay na Maguli
- Ang Paghatol sa mga Masasama
- Ang Isang Bagong Langit at Isang Bagong Lupa
Who's Online
- 0 Members.
- 6 Guests.
