Mga Tungkulin ng Kapulungan ng Matatanda

Tungkulin ng mga Matatanda sa Iglesia ayon sa Banal na Kasulatan:

Ang mga miyembro ng Kapulungan ng Matatanda ay ihahalal ng Asemblea mula sa napiling mga konsagradong mga ministro upang mamahala sa Iglesia ng Dios sa ilalim ng pamamatnubay ng Pangulo na si Cristo Jesus na nasa langit sa piling ng Amang Dios na Makapangyarihan sa lahat. Efeso 1:20-23

Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito’y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan, Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa’t pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating:  At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia,  Na siyang katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat.

Ang miyembro ng nasabing Kapulungan ay nararapat na pawang mayroong espirituwal, moral at pisikal na kakayahan sa pamamahala sa iglesia; (na nararapat na nagtataglay ng katangiang naaayon sa isinasaad ng 1Timoteo 3:1

Tapat ang pasabi, Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo, ay mabuting gawa ang ninanasa. Dapat nga na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, mapagpatuloy, sapat na makapagturo; Hindi magulo, hindi palaaway, kundi malumanay, hindi mapakipagtalo, hindi maibigin sa salapi; Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong kahusayan; (Nguni’t kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa iglesia ng Dios?) Hindi baguhan, baka siya kung magpalalo ay mahulog sa kaparusahan ng diablo. Bukod dito’y dapat din namang siya’y magkaroon ng mabuting patotoo ng nangasa labas, baka mahulog sa kapintasan at silo ng diablo.

at Tito. 1:6-9.

Kung ang sinoman ay walang kapintasan, asawa ng isang babae lamang, na may mga anak na nagsisisampalataya, na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail. Sapagka’t dapat na ang obispo ay walang kapintasan, palibhasa siya’y katiwala ng Dios; hindi mapagsariling kalooban, hindi magagalitin, hindi manggugulo, hindi palaaway, hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan; Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil; Na nananangan sa tapat na salita na ayon sa turo, upang umaral ng magaling na aral, at papaniwalain ang nagsisisalangsang.

Ang Kapulungan ng Matatanda ang siyang pinakamataas na sangay ng kapangyarihan sa loob ng iglesia at ang tagapamagitan sa ano mang mga opisyal na gawain o suliranin sa loob ng iglesia. Ang Kapulungan din ang may karapatan sa huling pagpapasiya sa mga usapin kagaya ng paglikha ng Tanggapan, Mga Pagpupulong, Korum, Karapatan at Pribilehiyo. 1 Corinto 9:14

Gayon din naman ipinagutos ng Panginoon na ang mga nagsisipangaral ng evangelio ay dapat mangabuhay sa pamamagitan ng evangelio.